Beauty queen-actress inaway ang dyowang aktor dahil sa isang fan

HANGGANG saan puwedeng makialam ang fans sa mga iniidolo nilang artista?

Nagiging dahilan ba sila ng pag-aaway ng mga hinahangaan nilang magkaka-relasyon dahil masyado silang pakialamero as in.

Saka na namin ire-reveal ang pangalan ng mag-dyowang nag-away nang matindi dahil sa kagagawan ng fan ng dalaga.

Pinagselosan kasi ng beauty-queen-actress ang aktres na kapartner ng boyfriend niyang aktor sa isang teleseryeng umeere ngayon.

Nagsimula ang isyu nang mag-tweet ang aktres na kapartner ng aktor na nagtatanong kung nasaan na siya. Biru-biruan lang ito dahil nga happy set sila plus in-character pa ang aktres.

Bagay na ni-repost ng fan ng beauty-queen-actress na pinagta-tag pa ang lahat ng mga kaibigan nila kasama pa ang magulang ng karelasyon ng aktor.

Nagulat ang aktor dahil bakit daw out of control ang ginawa ng fan ng beauty-queen-actress?

Sana raw pagsabihan ito ng dalaga dahil gumagawa ng isyu ang supporter na wala namang dapat.

Sabi pa ng aktor na dapat mag-suportahan silang dalawa sa kanilang respective careers dahil para sa kanilang dalawa naman iyon.

Pero pagkalipas ng dalawang linggo ay sinundo na siya ni beauty-queen-actress at nagkabati na rin sila after mag-away dahil sa fan.

Nakakaloka ang gulong ginawa ng fan!

 

Related Chika:
Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?
Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa

Read more...