Payo nina Diego at Barbie sa mga magdyowa: Don’t lie, don’t cheat…maging honest kahit masakit
Diego Loyzaga at Barbie Imperial
“CHEATING” ang parehong sagot ng celebrity couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga nang matanong kung ano ang posibleng maging dahilan nang pagkasira ng kanilang relasyon.
Sa nakaraang online presscon ng first movie nila together na “Dulo” mula sa Viva Films, nakiusap ang dalawang Kapamilya stars na huwag nang tanungin ang tungkol sa mga isyung kinasasangkutan nila ngayon.
Si Diego ang nagsalita bago magsimula ang virtual mediacon na hindi nila sasagutin ni Barbie ang mga tanong na walang konek sa “Dulo” at sana raw ay maintindihan sila ng entertainment press.
Ngunit sa kabila nito, sinagot pa rin nila ang mga tanong na may kinalaman sa pakikipagrelasyon tulad ng, “Ano ang posibleng dahilan para humantong sa dulo o katapusan ang kanilang relasyon.”
Tugon ni Barbie, “Para sa akin, cheating talaga. Siyempre, kapag feel ko na rin at alam ko na sobra nang dami ng lies, sobrang dami nang itinatago.
“Kapag siguro paulit-ulit na lang yung mga story na same lang yung mga ginagawa, paulit-ulit na lang, yun talaga,” paliwanag pa ng dalaga.
View this post on Instagram
Sumang-ayon din si Diego sa kanyang girlfriend, “Exactly the same. Sorry, I don’t mean to like shorten my answer but that’s exactly how I feel. Dun din kami nag-bonding kasi we both agreed that’s the point, that’s the limit, if something like that happens, it’s hard.
“There are couples out there na nagkaroon ng cheating, ng betrayal, pero kaya nila. Pero sa aming dalawa, as of this moment, that’s something na hindi namin kaya yun.
“We promised so much to each other, we plan so much with each other. We have plans of getting a house, maybe make investments, we want to do so much,” sey pa ng aktor.
Nagbigay din ng payo ang magdyowa sa mga young couple para tumagal at umabot hanggang sa dulo o maging pang-forever na ang relasyon.
“Don’t lie. Don’t cheat. Maging honest ka lang kahit alam mo na masasaktan yung tao.
“Mas okay yun kesa itago mo tapos pagmukhain mong tanga yung partner mo. Minsan, sinasabi natin na nakikinig naman tayo pero hindi naman talaga pumapasok sa utak.
“Parang okay, nakikinig ka lang pero wala naman pag-iintindi, so importante na kapag nakikinig ka, iniintindi mo rin,” pahayag ni Barbie.
Para naman kay Diego, “For guys, understanding talaga. Let’s be honest, understanding. You gotta put your girl first. That’s the truth. Totoo iyan.”
Sa darating na Dec. 11 magse-celebrate ng kanilang first anniversary sina Barbie at Diego at sa Dec. 10 naman ang streaming date sa Vivamax ng “Dulo” na idinirek ni Fifth Solomon.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/297856/pabor-ba-sina-diego-loyzaga-at-barbie-imperial-sa-pakikipag-live-in
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.