Mike Enriquez napagkamalang si John Lloyd noon?

Mike Enriquez napagkamalang si John Lloyd noon?

MARAMI ang naaliw sa beteranong aktor na si John Lloyd Cruz nang gayahin niya ang paraan ng pagsasalita ni Mike Enriquez.

Sa isang virtual interview ni Nelson Canlas sa dalawa noong Nobyembre 30 na ipinalabas sa “24 Oras” ay natanong si John Lloyd ng tungkol sa update sa kanilang sitcom ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Habang sinasagot ng aktor ang tanong ni Nelson ay sumingit naman si Bea at sinabing “Bakit pag nagsasalita, parang si Mike Enriquez?”

Dito ay natawa ang aktor at tuluyan na ngang ginaya ang veteran news anchor.

“Alam mo Nelson, ang pwede ko lang ibahagi sa yo ay nakapag-taping na kami ng unang cycle namin. Pwede mong asahan yang information na yan. Hindi yan fake news,” sagot ni John Lloyd habang ginagaya ang paraan ng pagsasalita ni Mike.

“Kung kailan kami eere ay hindi ko pa alam, Nelson. Bea, pasok!” dagdag pa nito.

Hindi naman mapigil nina Bea at Nelson ang kanilang pagtawa dahil kuhang-kuha talaga ni John Lloyd ang boses ni Mike Enriquez.

Samantala, matapos ipalabas ang interview ay hindi napigilan ng mga news anchor ang mapa-react sa ginawa ng beteranong aktor.

“Sabagay, dati na kong napagkamalang si John Lloyd. Sa totoo lang. Mahirap,” saad ni Mike.

Pabirong kinontra naman ito ng kasamahan at kaibigang si Mel Tiangco.

“Magising ka, Mike. Wake up, wake up.”

Nitong nakaraang buwan ay pumirma na ng kontrata si John Lloyd Cruz sa GMA Network. Matapos ang ilang taong pagiging malayo sa showbiz limelight ay nangyari ang kanyang TV comeback sa programa ni Willie Revillame na “Wowowin”.


Nag-react naman ang mga fans ni John Lloyd sa ginawa niyang panggagaya kay Mike.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.

“Lakas tlga ng sense of humor eh, kaya tuloy si Basha super happpy ‘pag bumanat na si idan hahahaha.”

“Tawang-tawa naman. Sana all may sense of humor Idan.”

“Ang saya! grabe tawa ko dito.”

Related Chika:
John Lloyd, GMA nagkasundo na sa talent fee; ABS-CBN may bonggang pa-welcome kina Piolo at Lovi
Bea sa paglipat ni John Lloyd sa GMA: Mukhang totoo ngang magkadugtong ang bituka natin

Read more...