UMAAPAW ang blessings ng “Pinoy Big Brother” 3rd evictee Chie Filomeno bilang bagong 2022 calendar girl ng isang alcoholic brand.
Sa kanyang virtual launch bilang bagong calendar girl noong Miyerkules, ibinahagi ng actress-model kung gaano siya kasaya sa bagong blessing na natanggap niya.
“Sa panahon ngayon kailangan talaga natin ng bagong tapang and of course our new strengths pave the way for wins for the coming years.
“I can proudly say na I’m a better version of myself but focused pa rin kasi lahat naman ng obstacles d’yan, kakayanin natin,” dagdag pa ni Chie.
Ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram account ang mga litrato niya bilang calendar girl.
“Your 2022 Ginebra San Miguel Calendar Girl! Thank you so much to my GSM Family for this opportunity.”
Marami naman sa mga netizens at kasama sa industriya ang napa-wow sa bagong achievement ni Chie.
Ilan rito ay sina Kylie Versoza, Elisse Joson, Albie Casino, at Ricci Rivero.
“Congratulations chie!!!” comment ni Kylie.
“Eh grabe naman po ito,” sey ni Elisse.
“Pa gin ka naman lodi,” hirit naman ni Albie.
“Sheeeeesh! The long wait is over! Congrats Chie,” pagbati ni Ricci.
Isa si Chie sa mga celebrity housemates ng “Pinoy Bog Brother Kumunity Season 10” na naging third evictee noong November 20.
Related Chika:
Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…
Chie Filomeno dinepensahan ng kapatid sa mga bashers; Dawn Chang may talak tungkol sa ‘PBB’