Luis ‘shookt’ sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: Feeling ko baka sila na ang itapat sa KathNiel!

Jessy Mendiola, Luis Manzano, Edu Manzano at Cherry Pie Picache

NA-SHOCK si Luis Manzano nang malamang magdyowa na ang kanyang amang si Edu Manzano at ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache.

Nagsimula ang love story ng dalawang Kapamilya stars nang magkasama at gumanap bilang estranged couple sa serye ng ABS-CBN na “Marry Me, Marry You” starring Paulo Avelino and Janine Gutierrez.

Ayon kay Luis, tulad ng naramdaman at naging reaksyon ng madlang pipol, talagang ikinagulat din nila ng kanyang asawang si Jessy Mendiola ang pagkakaroon ng relasyon nina Doods at Ms. Pie.

“We were caught off guard. Talagang no one saw it coming. I don’t even think dad and tita Pie saw it coming.

“I think a friend of mine took a picture with them tapos he sent me a picture. He was with daddy and tita Pie. Date night yata sila.

“So I sent the picture back to daddy. I said, ‘Uy daddy, ano ah, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happing happy.’ parang ganu’n,” pag-amin ni Luis sa panayam ni G3 San Diego.

Biro pang pahayag ng TV host-comedian patungkol sa lovelife ng ama, “Kunwari lang next year, we’re hoping and praying na kung maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN, feeling ko baka si Daddy at saka si Tita Pie, baka itapat sa KathNiel. Ganu’n!”


Samantala, puring-puri naman ng TV host si Edu sa pagiging responsable at mabuting ama nito. Natutunan niya raw sa aktor kung paano ang maging marespeto sa kapwa, lalung-lalo na sa dyowa.

“It would boil down to the same thing, kung paano nirerespeto ang kanyang kasama.

“You know, that’s one thing na nakikita ko kay Daddy and how he takes care of his partner talaga.

“And nakikita ko rin naman how happy he is with Tita Pie, In fact trivia, my very first teleserye Kampanerang Kuba, to some degree yung character, parang stepmom ko dun si tita Pie. So ang galing lang, di ba?” aniya pa.

Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa Amerika sina Edu at  Cherry Pie. Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang mga litrato nila together habang nagku-cruise sakay ng isang yacht sa Florida.

Relasyong Cherry Pie, Edu aprub sa mga celebs pero ninega ng ilang bashers

Read more...