Julia, Gerald binisita sina Hayden at Vicki: I can hear bells!

Julia, Gerald binisita sina Hayden at Vicki: I can hear bells!

USAP-USAPAN ngayon ang pagdalaw ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barreto kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang litrato kasama ang celebroty couple.

“I can hear bells. Christmas bells,” saad ni Hayden Kho.

Kaya naman marami ang na-curious kung may balak na nga bang lumagay sa tahimik sina Julia at Gerald.

“Doc Hayden saba po wedding bells na naririnig nyo para sa JURALD namin.”

“Wedding bells are coming too.”

“Spoiler alert sir? Hahaha”

“Chusera ka &dochayden (laughing emoji) wag kang gumawa ng chismis, malabo yan.”

“Wedding bells rinig ko e.. hehe..”

“Wow!! So happy to hear those belld too, sir @dochayden. Hopefully for julia and gerald.”

Matatandaang may mga nagingchika noon na nag-propose na raw si Gerald kay Julia nang isorpresa nito ang aktres ng dinner by the beach habang nagbabakasyon sila sa Boracay.

Wala namang naging kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo man ito o hindi kaya ngunit ngayon ay nagiging usap-usapan na naman ito matapos ang IG post ni Doc Hayden.

Ikakasal na nga ba ang dalawa at kaya nga ba sila dumalaw ay para kuning ninong at ninang ang dalawang doktor?

Kung true man ang chika ay good for Julia dahil matagal na nitong plano na bumuo ng pamilya at mukhang ready na rin naman si Gerald para mag-settle down.

Anyway, abangan na lang natin kung may bonggang announcement ang dalawa.

Sa ngayon ay abala si Julia sa kanyang upcoming film kasama si Carlo na “Expensive Candy” directed by Jason Paul Laxamana.

Samantala, malapit nang umere ang serye ni Gerald Anderson kasama si Gigi de Lana na “Hello, Heart”.

Related Chika:
Julia, Gerald magsasama kayang muli sa isang pelikula?
Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Read more...