Vice Ganda kinumpleto na ang gamit sa regalong bahay kay Nanay Rosario

Vice Ganda kinumpleto na ang gamit sa regalong bahay kay Nanay Rosario

MULING sinorpresa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda si Nanay Rosario nang muli nilang balikan ang bagong bahay na binili ng TV host-comedian para sa ina.

Matatandaang sinorpresa ni Vice Ganda si Nanay Rosario ng bagong bahay at lupa noong kaarawan nito.

Ngunit noong una niyang ipinasilip ang bagong bahay ay wala pa itong mga gamit.

Kaya naman nang muli nilang bisitahin ang bagong bahay ay sobrang saya ng pamilya ni Vice Ganda dahil kumpleto na ang kagamitan sa bahay kasama na ang mga gamit sa bawat kwarto.

Biro ni Vice sa kanyang ina at mga kapatid, tatanggalin rin daw ang mga gamit pagkatapos ng vlog at ibabalik rin sa may-ari.

Nang bisitahin naman nila ang bawat kwarto ay labis ang tuwa ng pamilya ni Vice Ganda.

“May banyo ka rin, Babot! Di na kayo [maghihintayan]… Wala nang ganon,” sey ni Vice.

Ngunit mas natuwa ang pamilya nang puntahan nila ang master’s bedroom kung saan magkwakwarto si Nanay Rosario.

Sinunod rin ni Vice Ganda ang kahilingan ng ina na magkaroon ng wallpaper ang kwarto nito.

“Oh, ikaw lang ang may ganyang wallpaper, no! At tsaka hindi nabibili ang wallpaper na yan sa market, pinagawa talaga namin ‘yan,” masayang saad ni Vice sa ina.

Napansin naman ni Babot, kapatid ni Vice na mas malaki ang TV ng ina kesa sa mga nasa kwarto nila.

Depensa ni Vice, “Luma ‘yan. Galing ‘yan sa kwarto ko dati. Huwag kang maingay.”

“Kasi sa totoong buhay, kaya pinakamalaki ‘yung TV niya tsaka malaki ang kwarto ni Nanay, hindi n’yo talaga gagamitin ang bawat isang kwarto. Dito lang kayong lahat para isang aircon lang,” biro pa niya.

Kuwento ni Vice, isang buwan lang ang inabot para maiayos ang bahay at malagyan ng gamit.

“How do you like it, Mother?” tanong ni Vice sa ina.

“I liked it very much!” masayang saad ni Nanay Rosario.

Talaga namang pak na pak ang bagong bahay ni Nanay Rosario at ready na para malipatan.

Related Chika:
Ina ni Vice Ganda nabigla sa bonggang pasabog ng anak: ‘Pina-prank mo ata ako’

Read more...