‘Gretchen siguradong mananalo kapag kumandidato sa Eleksyon 2022’

Grtechen Barretto

DAHIL sa walang tigil na pamamahagi ni Gretchen Barretto ng “Love Box with Rice” sa mga taga-showbiz, artista, production people at media sa tulong ng kaibigang si Ana Abiera at katotong si Francis Simeon ay siguradong mananalo ito kapag kumandidato sa 2022.

Base ito sa obserbasyon ng kilalang talent manager at isa sa host ng Facebook live online show na “Take It Per Minute, Me Gano’n” na si Manay Lolit Solis kasama sina Mr. Fu at ‘Nay Cristy Fermin.

Ipinost ni Manay Lolit sa kanyang social media account ang Instagram account na @Gretchens_love_box na may followers na 4,781.

Ang caption na isinulat niya ay, “Naku Salve ha, talagang winner ako sa puso nila double A, Ms. Ana Abiera at Ms. Rusky. Imagine mo na ang wish ko na lovebox para sa personal staff ko, dumating kaya ang laki ng mga eyes nila Mel and company. At para bang tingin nila kay Gretchen Barretto babae na Santa Klaus na siyang nagdala ng kahon ng ligaya para sa kanila.

“Naku, kung candidate si Gretchen Barretto sure ako siya nakasulat sa balota ng mga staff ko, baka lahat ng position, from President, VP, Congressman, Governor, Mayor hanggang councilor ito ang ilagay nila sa ballot.

“Ganyan katindi ang dating ng Gretchen Lovebox sa kanila, at siguro alam nila Ana Abiera at Ms. Rusky kung ano ang ligaya na binibigay nito sa buhay ng nakakatanggap.

“Gretchen Barretto, Ana Abiera, Ms. Rusky at sa iyo din Francis Simeon, our heartfelt Thank You sa kindness ninyo, sa happiness na binibigay at share ninyo, sa maraming tao na lumiligaya sa mga bigas, wheelchair at lovebox, forever grateful talaga.

“Merry Pasko at sana lagi sana kayong safe dahil sa dami ng napapaligaya nyong mga tao. We love you, promise. #classiclolita #74naako.”


Mukhang bagong gawa ang Gretchen’s_love_box dahil mahigit sa 4k palang ang followers at ang sariling IG ng aktres ay nasa 11.4k ang followers at anim palang ang naka-post dito.

Matatandang nabalitang na-hack ang IG account ni Greta pero ang sabi ng aktres ay siya mismo ang nagtanggal nito.

* * *

Kinilala ang batikang direktor na sina Cathy Garcia-Molina at mga beteranong mamamahayag na sina Rowena Paraan at Abner Mercado bilang natatanging alumni ng University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) sa ginanap na 2021 Glory Awards kamakailan lang.

Ang direktor na si Cathy, na nasa likod ng dalawa sa pinakapatok na pelikulang Pilipino na “Hello, Love, Goodbye” at “The Hows of Us,” ang awardee ngayong taon para sa larangan ng film.

Ginawaran din si Rowena, ang pinuno ng ABS-CBN News Public Service at citizen journalism program na “Bayan Mo, iPatrol Mo,” para sa kanyang kontribusyon sa social advocacy.

Samantala, ang dating ABS-CBN reporter at anchor ng ABS-CBN current affairs shows tulad ng “The Correspondents” at “Krusada” na si Abner naman ang awardee para sa broadcast journalism.

Sa kanilang pagtanggap ng award, nagpasalamat sina Cathy, Rowena, at Abner sa kanilang pamilya, mga guro, at sa kanilang kolehiyo para sa paghubog sa kanilang karakter, kakayahan, at prinsipyo. 

https://bandera.inquirer.net/286668/gretchen-wala-nang-paki-sa-bashers-im-51-that-doesnt-bother-me-anymore

https://bandera.inquirer.net/295357/gretchen-kay-tonyboy-after-27-years-na-realize-ko-ginamit-lang-ako-ng-mamang-to

                                                 

Read more...