Gerald sa 15 years na pag-arte: Kailangan lagi kang may bagong gagawin para sa manonood
Gerald Anderson at Gigi de Lana
TINANGGAP agad ng Kapamilya hunk na si Gerald Anderson ang offer ng ABS-CBN at ng online video platform na iQiyi na gumawa ng teleserye kasama ang viral biritera na si Gigi de Lana.
Nang ikuwento na sa kanya ng production ang magiging tema at konsepto ng “Hello, Heart”, hindi na nagdalawang-isip si Gerald na gawin ang project.
“Number one talaga sa akin alam ng lahat yung istorya kasi hindi ako naniniwala na yung artista ang magdadala or this loveteam (tambalan nila ni Gigi).
“It has to be the story talaga. Kapag maganda yung story, kapag may ibig sabihin siya at may mapupulot na values at aral yung audience natin at makaka-relate sila, then job done,” paliwanag ng boyfriend ni Julia Barretto.
Iikot ang nasabing original iQiyi romantic comedy series sa karakter ni Gerald na si Saul, isang walang emosyon na “business-as-usual” guy na mai-involve sa dalagang si Heart na gagampanan ni Gigi.
View this post on Instagram
Bibigyan niya ito ng bonggang trabaho — ang magpanggap na asawa niya para mapasaya ang lola niyang may dementia. At dito na nga magsisimula ang nakakaloka at nakakakilig na love story nina Saul at Heart.
Ayon kay Gerald, medyo nakaka-relate naman daw siya sa bago niyang role, “Kasi since the pandemic I’ve been venturing into business so du’n sa aspeto na yun medyo naiintindihan ko yung stress ni Saul kapag pumapasok sa office.
“Yung determination niya or yung focus niya kapag nandu’n sa meeting or to close a deal and how important that is. Kumbaga mas naiintindihan ko siya,” kuwento ng binata.
Sabi pa niya, kailangang laging may bagong aabangan sa kanya ang viewers para walang sawa factor, “I think yun naman yung number one goal ng artista bilang aktor. Kasi people will spend money and time para panoorin ka so you have to change it up.
“Kailangan lagi silang may bago na papanoorin sa ‘yo. And I’ve been blessed na sa last 15 years ko I’ve been presented with amazing roles na tumatak sa tao and as an actor ang sarap gawin.
“So there’s always a conscious effort na laging bago ang maipakita mo. Kaya ABS-CBN mahal na mahal ko kayong lahat. Thank you for always believing in me and that’s been my motivation,” paliwanag pa ng Kapamilya star.
Mapapanood na ang original Filipino series na “Hello, Heart” sa iQiyi simula sa Dec. 15.
For more amazing Asian content, users can log in for free or sign up for a subscription at the iQiyi app and www.iQ.com.
https://bandera.inquirer.net/298478/gerald-puring-puri-si-gigi-de-lana-bilang-aktres-outstanding-malayo-pa-ang-mararating-niya
https://bandera.inquirer.net/291856/pangarap-ni-gigi-de-lana-tinupad-ni-regine-bata-pa-lang-ako-idol-ko-na-talaga-siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.