13 sa 61 nagpositibong pasahero sa Netherlands ay may Omicron

hotel ramada omicron amsterdam netherlands covid-19

Sa hotel na ito na malapit sa Schiphol Airport sa Amsterdam dinadala ang mga mga pasaherong galing sa South Africa para sa i-quarantine. (Reuters)

 

THE HAGUE, Netherlands–Labing-tatlo sa mga pasahero ng KLM galing South Africa ang positibo sa Omicron, ayon sa mga health authorities ng Netherlands.

Kabilang sila sa 61 pasahero na natagpuang positibo sa Covid-19 sa testing na isagawa sa Schiphol Airport sa Amsterdam noong Biyernes. Lulan sila ng dalawang flight na may kabuuang 600 na manlalakbay mula sa South Africa, kung saan unang na-detect ang bagong variant ng Covid-19.

“Ang Omicron variant ay na-identify namin sa 13 na positibong kaso. Hindi pa tapos ang pagsusuri,” ayon sa pahayag ng National Institute for Public Health (RIVM).

“Maaari pang makita ang bagong variant sa iba pang test samples,” ayon sa RIVM.

Lahat ng mga nagpositibo sa Covid-19 ay nananatili sa isolation facility sa hotel na malapit sa airport.

Ang pagkadiskubre ng Omicron ay nagtulak sa maraming bansa sa mundo para ipagbawal ang pagpasok ng mga manlalakbay mula sa ilang bansa sa Southern Africa.

Nitong Biyernes, sinuspendi na ng Pilipinas ang inbound flights mula sa South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.

Idinagdag nitong Linggo sa “red list” ng bansa ang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy matapos magtala ang mga ito ng positibong kaso ng Omicron.

May ulat mula sa Agence France-Presse

 

Kaugnay na ulat:
Listahan ng mga bansang may positibong kaso ng Omicron
Hong Kong travel ban ‘hindi pa pinal’ – NTF
7 bansa sa Europa nasa ‘red list’ na rin ng Pinas dahil sa Omicron

Read more...