Pagsakay ni Kris sa MRT binatikos, sinisi sa mga kapalpakan ni PNoy | Bandera

Pagsakay ni Kris sa MRT binatikos, sinisi sa mga kapalpakan ni PNoy

Jobert Sucaldito - September 13, 2013 - 03:00 AM

Kris Aquino INQUIRER

SA Facebook, busog na busog ka sa mga opinyon – kani-kaniyang interpretasyon at kuro-kuro tungkol sa mga issue. Masyadong involved ang mga netizens sa mga kaganapan sa pulitika – left and right na batikusan.

Kung susundan mo lang ang trending, parang wala ka nang mukhang ihaharap sa kapwa dala ng maraming kabulastugan ng ating mga public servants. Yung mga dating naglilinis-linisan ay unti-unting naglalabasan ang mga dungis. Ang magagarang damit at ayos ni Sen. Loren Legarda ay nauwi sa lahat nang batikusin ng mga bashers niya lalo na ang tungkol sa acquisition niya ng magagarang properties like yung bahay sa Forbes Park at mamahaling apartment sa Manhattan sa New York.

Kung yurakan din nila ang name ng mabuting senador na si Juan Ponce Enrile ay ganu’n na lang. Kaloka!

Nitong mga huling araw ay si Kris Aquino naman ang pinutakti dahil sa pagsakay nito sa MRT para makaabot sa kaniyang appointment. Wala naman sanang problema sa pagsakay niya sa tren, it’s just that nakati-katihan pa niyang kunan ang sarili na nakasakay sa MRT at pinost agad sa Instagram – a basic right naman niya pero it sent a wrong signal sa marami nating kababayan.

Kasi nga, masyadong disappointed siguro ang taumbayan sa pamamahala ng pamilya niya sa ating pamahalaan, alam niyo naman ang mga Pinoy, isinisisi ang kahirapan sa gobyerno palagi – nakalimutan ang tunay na dahilan ng pagkamahirap, ang katamaran na likas na likas sa marami nating kababayan.

“Naku, tumigil nga ang Kris Aquino na iyan. Mahilig talaga sa publicity. Kung iba sana ang kumuha ng larawan niyang nakasakay sa MRT ay baka iba pa ang naging dating. Pero dahil siya mismo ang kumuha ng litrato niya at nag-post mismo sa IG, nagmukha tuloy scripted ang lahat.

“Though kung tutuusin she did something very practical dahil sobra naman talagang traffic that night. Kahit sino ay nanaising sumakay ng MRT para makaabot sa kaniyang destinasyon. Kaya lang, naging isyu yung kay Kris, kasi nga, sikat na artista siya at kapatid pa ng presidente kaya siguro ganoon. Plus the fact na kumakalat na tatakbo siya sa 2016 elections. Iyon ay kung mananalo siya dahil as of the moment ay marami na ang dismayado sa apelyidong Aquino,” anang non-showbiz observer natin.

“Yung kay Manny Pacquiao ay hindi masyadong ginawang big deal – napansin ninyo? Kasi nga, kahit kasing-sikat din niya si Kris, walang public outrage kay Pacman. Kasi nga, kung PDAF ang pag-uusapan, kahit congressman si Manny, aware ang mga tao na marami na talagang pera ito and he can just get rid of his pork barrel unlike some of his colleagues. Kaya hindi siya masyadong nabatikos.

“Yung kay Kris ay ibang isyu kasi dahil nga kapatid niya ang presidente ng bansa na nasusuong ngayon sa napakaraming problema ng bayan. Maliban sa pork barrel issue, hayun pa ang gulo sa Zamboanga na sobrang pinangangambahan dahil daw sa pakikipagsagutan ni P-Noy kay Nur Misuari. Kung hindi kasi nagpadalos-dalos sa pananalita niya si P-Noy ay baka hindi ganoon katindi ang naging galit ni Nur.

“Remember the Shoal issue kung saan halos ituring ng Malakanyang na terorista si Nur? Kaya nagsalita na nga ang dating rebel leader na ayaw niyang makipag-usap sa pangulo, sa OIC lang daw niya. Kaya si Kris ang binabalikan ng taumbayan. Sa kaniya nagbu-boomerang ang lahat kaya pati pagsakay niya sa MRT ay hindi na cute sa kanilang pananaw.

“Tingnan niyo nga, paano mo paniniwalaang nagagampanan nang maayos ni P-Noy ang pagpapaimbestiga kay pork barrel scam queen Janet Lim Napoles samantalang nag-viral na ang picture nila ni Jeane Napoles, ang sosyalerang anak ni Aling Janet na siyang dahilan ng pagkabuko sa kaniyang ina na kaya pala sobrang yaman dahil diumano sa tax money ng mga Pinoy? Meaning, hindi pala totoo ang moro-moro ng Malakanyang na di nila kilala si Janet Napoles,” mahabang litanya ng aming kausap.

“Kaya ang easy target ng mga kababayan natin ay si Kris Aquino kaya we must understand too where they’re coming from,” hirit pa ng nagpi-feeling matalinong kaibigan namin.

Sabi nga nila on Kris’ act – damn if she does, damn if she doesn’t. Wala talaga silang lusot. Di bale, ang konsuwelo naman niya ay happy siya for being so rich and stable.

“But Kris worked so hard for whatever she has now. I saw her work and save money. Bakit sa kaniya nila isinisisi ang kahirapan nila? Katarantaduhan itong iniisip nila,” depensa naman ng anak-anakan nating si Philip Roxas kay Kris.

Tama nga naman, Kris really worked so hard pero iba ang situwasyon niya. She works on something she gets paid so well dahil she gets every opportunity dahil sa status niya. She is so spoiled with availability of jobs unlike many of us na kahit gustong magtrabaho ay walang opportunities. Kris is different – she can command kung anong gusto niyang work at kung magkano ang ibabayad sa kanya. Doon nagagalit ang mga tao, it’s not inggit anymore. Masyado kasi niyang pinu-flaunt ang yaman niya and everything.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bawat kibot ay nasa headline – not because she is a big star but because she offers the story to every writer under her payroll. Knowing Kris na kesehodang ikasama niya basta ba nami-maintain niya ang kasikatan niya – keber. Kaya bahala na kayo if sa next elections, maka-Aquino pa rin kayo. Kung gusto niyong lalong magtiis, magpabola pa rin kayo sa kanila, OK?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending