Hiyas ng Pilipinas pageant bukas na sa aspirants mula NCR, Luzon
MATAPOS ang successful Visayan leg ng Hiyas ng Pilipinas nationwide screening, ngayon ay magbubukas naman ang pageant para sa mga aspirants mula sa Metro Manila at Luzon.
“Due to insistent demand, Hiyas ng Pilipinas is happy to announce that we will accept ‘walk-ins’ in Luzon and NCR,” saad ni national director Eva Patalinjug sa kanyang recent Facebook post.
Gaganapin ang screening sa Diamond Hotel Manila sa Nov, 27, simula 1p.m. Ang mga interesadong sumali ay maaring mag-email sa [email protected] para sa mga inquiries sa naturang pageant. Available naman ang application forms sa www.hiyasngpilipinas.com.
Noong Nov. 22 ay ginanap ang Visayas screening sa Golden Peak Hotel sa Cebu City.
“Congratulations and good luck to all our gorgeous applicants and their respective teams,” saad ni Patalinjug sa separate Facebook post niya patungkol sa event sa Cebu.
“Luzon and Mindanao, you’re up next,” dagdag pa niya.
Nagdeklara ng tatlong core values ang Hiyas ng Turismo Pilipinas Foundation na organizer ng bagong national pageant—beauty, culture, at humanity— na siyang magiging basehan ng mga magiging pageant’s activities kasama ang pagpili ng mga kandidata.
Bukas ang Hiyas ng Pilipinas sa mga Pilipina, o mga dilag sa ibayong-dagat na may lahing Pilipino. Dapat ay mula 18 hanggang 27 taong gulang ang aplikante, na hindi bababa sa 5’3” ang taas. Kailangang nakapagtapos na ng high school ang lalahok.
Mga single na babae lang na hindi pa naikakasal o nagsisilang ang tatanggapin. Dapat rin ay may pleasing personality ang kandidata at may good moral character. Bawal ding mag-apply sa ibang malaking national pageant ang kandidata habang gumugulong ang patimpalak.
“We are planning to hold our first pageant in the first quarter of 2022, hopefully in February,” ani Patalinjug, na hinirang bilang 2014 Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International at 2018 Binibining Pilipinas Grand International,
Pipiliin sa Hiyas ng Pilipinas pageant ang mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism World, Miss Elite World, at Miss Tourism Queen International.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.