Lolit Solis nag-sorry matapos manawagan na itigil na ang 'Lunch Out Loud' | Bandera

Lolit Solis nag-sorry matapos manawagan na itigil na ang ‘Lunch Out Loud’

Therese Arceo |November 26,2021
facebook
share this

Lolit Solis nag-sorry matapos manawagan na itigil na ang ‘Lunch Out Loud’

Therese Arceo - November 26, 2021 - 01:08 PM

Lolit Solis nag-sorry matapos manawagan na itigil na ang 'Lunch Out Loud'
HUMINGI ng tawad ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis matapos ang kanyang panawagan kay Cong. Albee Benitez na itigil na ang produksyon ng “Lunch Out Loud”.

Ito ay kaugnay ng isyu patungkol sa diumano’y pambubully ng isa sa mga hosts na si Billy Crawford na nauwi sa isang insidente kung saan naapektuhan ang spine ni Jeffrey Tam na isa ring host sa show.

Na-realize naman ni Manay Lolit na hindi tama ang kanyang nasabi kaya naman agad siyang humingi ng sorry.

“Gusto ko mag-sorry dahil nasabi ko pa na sana iwanan na ni Papa Albee Benitez ang pag produce ng show dahil nga I find that incident na very improper.

“Ngayon ko naisip na kawawa naman ang production staff na mawawalan ng trabaho kung sakali, at hindi naman siguro magbibiruan ng ganoon ang mga tao kundi sila close sa isa’t isa,” saad ni Manay Lolit.

Aniya pa, kapag outsider talaga ay hindi nito dapat aware ka na iba ang humor ng mga taong magkakasama sa set ng isang taping o shooting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Dahil tuloy dito ay nabigyan ng masamang kulay ang naging biruan nina Billy at Jeffrey Tam sa “Lunch Out Loud” matapos ang nangyaring insidente kung saan aksidenteng nasaktan si Jeffrey Tam ng pabirong sipa ni Billy sa balikbayan box na naging dahilan ng pagka-crack ng spine ng TV host-magician.

“Siguro naman kahit si Papa Albee napamahal na sa lahat ng kasali sa show , at sa mga tao sa production kaya tiyak na protektado niya ang mga ito,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Hiling naman ng talent manager at kolumnista na sana ay patuloy na tumaas ang rating ng noontime show.

“Sana nga ay magtagumpay na at patuloy na umangat ang rating ng LOL para makipaglaban pa ng sabayan sa ibang lunchtime show sa TV.”

Dagdag pa ni Manay Lolit, sana ay iwasan na ng mga hosts ang nakakasakit na biruan.

“Hayan ha, huwag ng magbiruan ng nakakasakit para hindi mabigyan ng masamang kulay, pag may nasaktan, magiging issue pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sige na, watch na ng LOL ng Brightlight Production ni papa Albee Benitez, para produce pa siya ng mas maraming shows after election.”

Related Chika:
Jeffrey Tam kinumpirma ang ‘sipa incident’; inaming okay sila ni Billy
Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending