HOROSCOPE September 12, 2013 | Bandera

HOROSCOPE September 12, 2013

Madam Sophia - September 12, 2013 - 04:57 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming materyal na bagay ang makakamit kung pananatiliin ang pagpupumilit. Piliting yumaman at kung sapat ang pagpipilit yayaman ka. Sa pag-ibig, hindi ka naman dapat na maging makulit, upang hindi kainisan ng kasuyo. Mapalad ang 5, 16, 20, 29, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sutra-Vasudeva-Om.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  Sinasabing mainitin ang ulo ng mga Aries, dahil fire ang kanilang elemento. Ganon paman, tandaang  upang pumasok ang maraming pera, laging maging mahinahon.  Sa pag-ibig, laging unawain at pagpasensiyahan ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 7, 16, 22, 26, 32, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— May paglalakbay na iaalok ang isang kabigan Sagittarius. Sa pinansiyal, ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sayong pagbabalik, mainit na  romansa ang kapalit. Mapalad ang 2, 11, 25, 34, 40- at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.’ Lilac at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Simple lang ang buhay kaya wag ng mag isip ng kung ano-ano. Kung marami kang iniisip, malabo kang yumaman, puro pagkakaperahan na lang ang isipin mo. Sa pag-ibig, ganon din ang gawin, ibuhos ang todong pagmamahal sa pamilya. Mapalad ang 2, 16, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Hindi dapat makuntento sa kasalukuyang buhay. Mangarap ng mas malaking ambisyon. Kapag nagawa mo yan mas madali kang yayaman. Sa  pag-ibig kumbinsehin ang kasuyo na simulan nyo na pages-savings. Mapalad ang 5, 14, 28, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—’Wag umasa sa iba. Ibigay ang iyong the best at makikita mo, gagantimpalaan ka rin ng tadhana ng mga the best na pangyayari. Kusang tataas ang kita at sa pag-ibig lalong mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bisvivit-Quivit-Aum.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Hindi kailangang puro isip, panahon na upang sundin ang tinitibok ng puso. Kung puso at kutob ang paiiralin malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag sumunod sa isip dahil ang tinitibok ng puso ang magtuturo sayo upang lumigaya. Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Iwasan ang maluhong pamumuhay. Iwasan narin ang maluhong pag-gasta! Tandaang napakahirap na karansan ang walang kapera-pera. Sa pag-ibig, simpleng pakikipag-date na lang  ang iplano para sa minamahal. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vindentur-Posse-Aum.” Lilac at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kapag minamahal mo ang isang tao, pagbutihin mo! Ganon din sa lahat ng iyong mga ginagawa, pagbutihin mo, upang mas madali kang umunlad at yumaman. Mapalad ang 7, 15, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kung sino ang taong madalas tumulong sayo siya rin ang gayahin mo upang yumaman. Sa pag-ibig, isang nilalang na laging tumutulong sayo ang biglang mai-in love sayo. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Malapit na ang Pasko kaya panahon na rin ng pagtitipid. Wag maghangad ng gadget na hindi naman kayang bilin. Sa pag-ibig, upang wag magkasala, pagtiyagaan ang kasuyong hindi mahusay romomansa. Mapalad ang 1, 9, 16, 23, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Credo-Intelligam.” Yellow  at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa halip na isip, intuition ang paganahin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig ang iyong intuition din ang iyong sundin upang lumigaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel-Om-Zazel.” Magenta at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Maigsi lang ang buhay, kaya nga panahon na upang ranasin ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan. Sa ganyang paraan magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad ang 3, 15, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Old rose at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending