Message ni Aicelle Santos sa bashers: You’re very welcome to unfollow!

Message ni Aicelle Santos sa bashers: You're very welcome to unfollow!

TRENDING ngayon ang Kapuso singer na si Aicelle Santos matapos nitong ibahagi ang kanyang opinyon sa social media.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ng singer ang kanyang hinaing sa pagbabayad ng tax na napupunta lamang sa mga corrupt officials ng bansa.

“Kakabayad lang ulit ng tax. Haaay sana nararamdaman natin ang buwis na binabayad! Eh binubulsa lang naman nila!”

Agad namang nagpaalala si Aicelle na isiping mabuti kung sino ang iboboto sa darating na eleksyon at iwasan ang bumoto ng mga taong may history sa pagnanakaw.

“Kaya next year please lang, wag boboto ng magnanakaw o may history sa pamilya ng magnanakaw dahil lilimasin lang nila ang natitirang lakas at pinaghihirapan ng Pilipino!”

Ngunit agad na kinuyog ng bashers ang kanyang post. Ang nakakapagtaka pa rito ay wala namang partikular na pangalang sinabi si Aicelle pero ang mga bashers na nagagalit sa kanya ay supporters ng isang presidential aspirant.

“Kung hindi mo naramdaman ang binayad mong buwis sa mga bagong kalye na dinaanan mo at sa nawalang demonyong adik sa lugar niyo, baka bulag ka.”

“Talagang ganyan, obligasyon mong magbayad ng buwis,, pero yung sinasabi mong ninanakaw, e bukang bibig na yan ng mga pilipino noong araw pa, mahirap mong patunayan kung sino talaga nagnanakaw..kaya wala ka ng magagawa jan..importante nagbabayad ka ng tax ng tama.”

“Isa ka lang sa maraming nagbabayad ng taxes kung makapagsalita ka parang ikaw lang nagbabayad ng buwis. Ano tingin mo samin, wala kaming silbi?”

Ilan lamang ito sa mga komento ng netizens sa post ni Aicelle.

Natawa na lamang ang Kapuso singer sa mga comments ng mga netizens.

Aniya, wala naman daw siyang iniendorsong pulitiko sa kanyang post at sentimyento lamang niya ito bilang ilang taon na rin siyang nagbabayad ng buwis.

“Nakakatawa! Ang daming nagreact! Guys, i’m not endorsing anyone. I don’t have my final candidates yet, FYI! But this has been a general personal sentinent for several years now.

“Nagra-rant tayo dahil may karapatan tayong magsalita. Now if you do not like my post, you’re very welcome to unfollow!” matapang na saad ni Aicelle.

Related Chika:
Aicelle sa mga insensitive na mister: Wag ganu’n kasi ang hirap talaga ng pinagdaraanan ng mga mommy
Ano ang napansin ni Aicelle Santos sa unang pag-iyak ni Baby Zandrine?

Read more...