NAG-ALALA ang mga fans at social media followers ng actress-singer na si KC Concepcion matapos nitong ibalita ang kinasangkutang “aksidente.”
Ayon sa panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta, na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Amerika nagtamo siya ng second degree burn sa braso nang dahil sa aniya’y “kitchen accident.”
Sa kanyang Instagram story, ipinost ni KC ang isang video habang ipinagagamot ang natamong paso sa pinuntahan niyang aesthetic center sa Beverly Hills.
Aniya sa caption, “Got into a kitchen accident and ended up with a painful 2nd degree burn!
“Thank you so much to FNP Lauren of @iskinmedspa for my wound care and my much-needed weekly IV vitamin drip!!! Big help!” sabi pa ng TV host at aktres.
Wala namang binanggit ang dalaga kung anong klaseng aksidente ang kanyang kinasangkutan at kung saang kitchen ito naganap.
Nasa Los Angeles, California pa rin hanggang ngayon si KC para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Regular siyang nagbibigay ng update tungkol sa mga kaganapan sa buhay niya roon sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlogs.
Kamakailan lang, naging usap-usapan ang umano’y pag-unfollow ni KC sa mga kapatid niya sa ina na sina Frankie at Miel Pangilinan. Ang paniwala ng mga netizens baka raw may hindi pagkakaunawaan ngayon ang magkakapatid.
Wala pang ginagawang paglilinaw si KC tungkol dito kaya until now ay patuloy ang pang-iintriga sa mga anak ni Shawie.
Kamakailan, nabanggit nga ni KC na sumasailalim siya sa 30-day detox kung saan bahagi nga nito ang pag-unfollow niya sa libu-libong personalidad sa social media.
“I have been unfollowing a couple of people on Instagram. Actually not a couple! I’ve unfollowed about 2,000 accounts on Instagram. Because I realized that I don’t really follow them truly,” sey ng dalaga.
Base naman sa kanyang Instagram account, pina-follow pa rin niya ang inang si Sharon Cuneta at asawa nitong si Sen. Kiko Pangilinan, ang tatay niyang si Gabby Concepcion at mga kapatid sa ama.
Related Chika:
Hugot post ni KC tungkol sa ‘baby’ patutsada nga ba kay Mega?
KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID