Gerald Anderson at Gigi de Lana
FEEL na feel ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson ang “magic” sa pagitan nila ng viral biritera na si Gigi de Lana.
Simula sa Dec. 15, mapapanood na ang inaabangang teleserye nina Gerald at Gigi na may titulong “Hello, Heart” sa streaming platform na iQiyi.
Inamin ni Gigi na unang nakilala bilang contestant sa “Tawag Ng Tanghalan” ng “It’s Showtime”, na matinding kaba at pressure ang naramdaman niya nang sumabak na sila ni Gerald sa lock-in taping.
Present ang bagong magka-loveteam kahapon sa virtual mediacon para sa pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at iQiyi kung saan apat na serye ang nakatakdang ipalabas sa nasabing digital platform kabilang na nga riyan ang “Hello, Heart”.
Dito, kitang-kita ang excitement ni Gigi sa unang acting project na pagbibidahan niya kasama si Gerald. Aniya, talagang ibinigay niya ang lahat para rito.
“It’s my first time doing this kasi puro kanta ako, di ba? Talagang na-pressure ako pero alam ko naman na gagawin ko ‘yung best dito sa project na ito.
https://bandera.inquirer.net/288186/gigi-de-lana-biglang-sikat-sa-bakit-nga-ba-mahal-kita-birit-challenge-sasabak-na-rin-sa-aktingan
“I will give 100% para sa series na ito. Kahit first time ko ito, gagawin ko siyang parang ‘di ko first time,” pahayag ng singer-actress.
Puring-puri naman ni Gerald ang bago niyang leading lady, “ABS-CBN will be so proud of her. ‘Yung mga fans sobrang magiging proud din sa kaniya. Kasi napapanood siya sa YouTube sa ginagawa niyang mga kanta, ito ibang platform.”
Diin pa ng boyfriend ni Julia Barretto patungkol kay Gigi, “Outstanding! Not just with the performance but also sa effort na ibinigay niya, ‘yung passion na ibinigay niya. Alam mo talagang she cares for this. Malayo pa ang mararating sa platform na ito.”
Tungkol naman sa chemistry nila ni Gigi sa serye, “Hindi mo make-create ‘yan lalo na sa sitwasyon ni Gigi, it’s her first time. All you can do as partner niya, is to make her as comfortable as possible. We are in a very high pressure, sensitive, vulnerable environment.
“Kailangan comfortable siya. And then, let the rest happen. Sa awa ng Diyos, naging okay naman. We feel like we made magic. Sana maging magic siya sa December 15,” aniya pa.
Samantala, opisyal na ngang inanunsyo ng global streaming service na iQiyi at ABS-CBN ang kanilang pagsasanib-pwersa sa paggawa ng apat na orihinal na romantic series para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.
Layunin ng dalawang kumpanya na maghatid ng de-kalidad na palabas na may dalang inspirasyon at bibida sa husay at kwento ng mga Pilipino sa ibayong dagat.
Sa tulong ng galing ng ABS-CBN sa content production at talento ng mga artista nito, mas palalakasin pa ng ugnayang ito ang lumalawak na content ng iQiyi mula sa Japan, South Korea, Greater China, Thailand, Singapore, at Malaysia na available sa 191 teritoryo.
Nanguna sa naganap na pirmahan sina ABS-CBN chief operating officer of broacast Cory Vidanes at iQiyi Philippines country manager Sherwin dela Cruz, kasama sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iQiyi Philippines marketing supervisor Andrea Reyes.
Ilulunsad sa pamamagitan ng partnership na ito ang Filipino originals na ii-stream ng eksklusibo sa iQiyi app at www.iQ.com. Kabilang pa sa kanilang mga gagawing serye bukod sa “Hello Heart” ang “Saying Goodbye” na pagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, kasama sina Andi Abaya, at Kobie Brown.
Ipinasilip na rin sa media conference ang teaser trailer ng “Lyric and Beat” na darating na sa 2022. Isa itong romantic musical series kasama sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto at AC Bonifacio.
https://bandera.inquirer.net/296444/gerald-may-payo-kay-gigi-ako-ang-coach-mo
https://bandera.inquirer.net/295580/gigi-de-lana-inspirasyon-ang-ina-kaya-nagsusumikap-siya-na-lang-po-ang-mayroon-ako