HIWALAY na si 2021 Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez sa kanyang longtime partner na si Kate Jagdon, isang performance DJ at entrepreneur mula sa Cebu.
Ito ay kinumpirma mismo ni Kate. Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang kanyang pahayag patungkol sa kanilang paghihiwalay ni Bea.
Matatandaang naisulat na namin noong Oktubre dito sa BANDERA patungkol sa diumano’y paghihiwalay nina Bea at Kate.
Ngunit tila totoo nga ang balita na noon pa man ay hiwalay na sila base sa pahayag ni Kate.
“These past few weeks have been the most difficult time of my personal life. It was a conscious decision to keep quiet, after all, this is a personal matter and I chose my privacy above everything else.
“I don’t want to say anything more that fits anyone’s situation. This statement will be short before rumors and falsifications get out of hand.
“Bea and I parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more,” saad ni Kate.
Pitong taon rin ang itinagal ng relasyon ng dalawa.
Nagpasalamat naman si Kate sa kanyang pamilya at mga kaibigan na nanatili sa kanyang tabi para damayan siya.
“I can’t thank my family and friends enough for holding my hand during this difficult time and I know you will continue to do so as I take the road to healing.
“We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey.”
Humingi naman ng privacy si Kate at sinabing ito na ang una at huling beses siyang magsasalita patungkol sa isyu.
“At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you.
Sa ngayon ay wala namang pahayag si 2021 Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez patungkol sa kanilang break up at abala sa kanyang training para sa darating na Miss Universe 2021 na gaganapin sa Eilat, Israel sa darating na Disyembre 12, 2021.
Related Chika:
Beatrice Gomez, Kate Jagdon hiwalay na nga ba?