Bongbong Marcos negatibo sa cocaine

Bongbong Marcos

TINULDUKAN na ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na siya ang tinutukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng cocaine.

Ito ay dahil sumailalim si Marcos sa cocaine test at negatibo ang resulta.

Ayon kay Marcos, isinumite niya ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” pahayag ni Marcos.

Hinimok pa niya ang mga kapwa kandidato sa pagka-pangulo na sumailalim din sa drug test para masiguro na walang lider sa bansa ang lulong sa ilegal na droga.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isang presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

Sa mga sumunod na talumpati ng Pangulo, sinabi nito na isang weak leader si Marcos at walang nagawa.

Kaugnay na ulat:

Ang muling pagtutuos nina VP Leni at Marcos

Magkaiba si VP Leni at Bongbong Marcos

Marcos-Sara o Sara-Marcos, walang epekto sa kandidatura ni VP Leni

Read more...