Wish ni Dennis: Sana mapagsama ko lahat ng mga anak ko sa isang litrato kasama ako
Dennis Padilla at Aiko Melendez
NAMUMUHAY pala ngayon na mag-isa ang komedyanteng si Dennis Padilla dahil ang asawa niya ay nasa Australia kasama ang tatlo nilang anak.
Nilinaw agad ng aktor na hindi sila hiwalay, doon lang nag-stay ang pamilya niya since citizen doon ang ina ng mga anak nito.
“Magpa-Pasko na naman and this is my second Christmas na mag-isa. Last Christmas talagang devastating, malungkot pero you learn to live with the pain, you really had to be strong, mas gumaling kang magdasal,” ang paliwanag ni Dennis sa panayam ni Aiko Melendez para sa YouTube channel nito.
View this post on Instagram
Speaking of dasal ay ang laging panalangin daw ni Dennis, “Dream for me so many, many years na sana mapagsama ko lahat ng mga anak ko sa isang litrato kasama ako. Hindi pa ‘yun nangyayari that’s why one time nainggit ako kay Jackie Forster kasi she already fulfilled her dream, napagsama na niya di ba (sina Kobe at Andre Paras at iba pang anak)?”
“May pumipigil ba?” ang balik-tanong ni Aiko.
“Hindi naman siguro, number one scheduling, number two siguro may mga anak ako na hindi ko kasi nakikitang madalas at hindi ko nakakausap,” esplika nito kay Aiko na kakandidato namang konsehala sa 5th District ng Quezon City.
Dagdag paliwanag ng komedyante, “I tried naman (kausapin), pero siyempre di bap ag tayo may nagawang kasalanan ang isang tao kahit naman mag-sorry siya at hindi pa natin handang patawarin ayaw muna natin di ba?
“So inuunawa ko na lang, e, baka nga nasaktan ko ‘yung damdamin nila kaya ganu’n ‘yung nararamdaman nila towards me, so aantayin mon a lang na mag heal ‘yung pain nan a-create ko. Hindi ko sinadya saka hindi ko plinano, walang ganu’n,” sabi ni Dennis.
At saka inaming malungkot siya ngayon sa estado ng buhay niya na tama ang nakita ni Aiko dahil malungkot nga raw ang mga mata ni Dennis.
“Ngayon ko lang na-appreciate ‘yung nanay at tatay ko noong araw na grabe pala ‘yung sakripisyo nila sa atin kasi ganu’n din tayo sa mga anak natin,” emosyonal na sabi ng aktor.
Hindi na pinag-usapan nina Aiko at Dennis kung ano ‘yung dahilan kaya may gap ang aktor at sa mga anak niya kay Marjorie Barretto.
View this post on Instagram
Pero okay daw sila ni Dani Barretto at nagpapalitan din sila ng mensahe, “Yes kasi hindi pa ipinapanganak si Dani nandoon na ako, eh. I still consider her as my daughter because many years in her young life she was using my family name.
“She was a Baldivia for many years. Hanggang gumradweyt yata siya ng Grade 7. Nu’ng nagkahiwalay kami ni Marjorie do’n lang niya pinalitan ng Barretto,” paliwanag ng aktor.
Nabanggit na hindi naman daw galit sa kanya si Dani, “Mas mature ‘yung isip niya kasi siya kasi ‘yung pinakamatanda.”
Sumakto naman para maging abala si Dennis at hindi masyadong maisip ang lungkot ay tinanggap niya ang alok na bumalik siya sa pagkakonsehal sa Caloocan City.
Sa mga hindi nakakaalam ay natapos ni Dennis ang tatlong taong termino sa pagkakonsehal noong 1998-2007 sa Caloocan.
“Nu’ng 2007 pagkatapos, e maraming nangyari sa buhay ko, sabi ko hindi na ako babalik (politika), then sabi rin ng manager ko si tita June (Torrejon) mag-artista na lang muna ako, then nag-artista ako, sunud-sunod.
“And then last September tumawag sa akin si Congressman Egay Erice (2nd district Representative of Caloocan), sabi niya, ‘pare tatakbo akong mayor, kulang ako ng konsehal baka gusto mong tumulong?’
“Sabi ko, ‘sige tulong ako.’ And I have three ordinances kasi na hindi ko napaaprubahan kasi inabot ng last term ko, so, sabi ko babalikan ko ‘yun,” kuwento ni Dennis.
Speaking of Aiko, bukod sa pag-iikot niya sa Distrito 5 ng Quezon City ay pumupunta rin siya sa Olongapo City para samahang maglibot ang kanyang boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun na tumatakbo namang congressman sa District 1 ng Zambales.
“Bale hati schedule ko kapag me libreng oras sa Zambales naman ako umiikot kasama si VG para me quality time din kami,” sambit ni Aiko.
https://bandera.inquirer.net/283398/julia-umaming-natakot-na-trauma-noon-kay-dennis-pero-hindi-ako-sumuko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.