Hindi si Isko ang producer ng ‘Yorme’; pumayag gawin ang biopic sa 1 kundisyon... | Bandera

Hindi si Isko ang producer ng ‘Yorme’; pumayag gawin ang biopic sa 1 kundisyon…

Ervin Santiago - November 21, 2021 - 10:28 AM

Isko Moreno, Janno Gibbs at Xian Lim

FAKE news ang kumakalat na chika na si Manila Mayor Isko Moreno ang producer ng musical film na “Yorme: The Isko Domagoso Story” na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa Dec. 1. 

Para sa kaalaman ng lahat at para na rin sa ikatatahimik ng mga detractots ni Mayor Isko, ang totoong producer ng “Yorme” ay ang Saranggola Media Productions na producer din ng 2019 Metro Manila Film Festival  movie na “Suarez: The Healing Priest.”

Paglilinaw ng director ng pelikula na si Joven Tan, ang tanging involvement ni Isko sa kanilang proyekto ay ang pagtitiwala niya sa Saranggola Productions na gawing pelikula ang kanyang buhay at ang pagna-narrate niya sa pelikula.

Ipinaubaya din ni Isko sa producer kung aling institusyon ang magiging beneficiary ng ibabayad para sa kanyang story rights.  

“Kinausap namin siya ni Ms. Edith Fider (producer) na kung puwede ay gawan namin siya ng biopic kasi napaka-inspiring ng kanyang life story di ba? And pumayag naman agad siya. 

“Yun nga lang meron siyang kondisyon dapat daw yung mga totoong nangyari lang sa buhay niya ang ilalagay namin sa pelikula,” sey ng direktor.

Dagdag pa niya, “Habang binubuo namin ang Yorme noon ay hindi namin alam na mahihikayat siyang tumakbo sa pagkapresidente. Wala kaming idea. 

“Matagal yung naging proseso namin bago mabuo itong project, two years din yon, tapos nag-pandemic pa kaya hindi rin agad naipalabas,” pagbabahagi pa ni Direk Joven.

View this post on Instagram

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)


Samantala, bida sa “Yorme” sina Raikko Mateo (bilang batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko) at Xian Lim (present generation Isko). Mayroong 15 original songs ang pelikula na isinulat lahat ni Joven na kilala ring award-winning songwriter. 

Kasama rin sa movie ang ilang dating miyembro ng “That’s Entertainment” na sina Tina Pander, Monching Gutierrez, Jestoni Alarcon, Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa.

Gagampanan naman ni Janno Gibbs ang character ni German “Kuya Germs” Moreno na producer at host noon ng youth oriented show na “That’s Entertainment” na naging daan para makilala si Isko sa showbiz.

“Yorme” is distributed by Viva Films at mapapanood na sa mga sinehan sa Dec. 1.

https://bandera.inquirer.net/291367/yorme-balak-mag-retire-sa-public-service-sa-edad-50-wala-pa-ring-final-answer-sa-eleksyon-2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290796/yorme-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-kapit-lang-tuloy-ang-buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending