Lolit hinamon si Pangulong Duterte: I-reveal na yan… huwag itago!

Lolit hinamon si Pangulong Duterte: I-reveal na yan... huwag itago!

HABANG papalapit ang 2022 ay parang mas nagiging scary ang darating na election para sa manunulat at talent manager na si Lolit Solis.

Ito ay matapos maglabas ng tila pa-blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa isang presidential aspirant na diumano’y gumagamit raw ng cocaine.

“Parang scary naman ang election ngayon, Salve. Iyon sinasabi ni Papa Digong na meron candidate na drug user bakit hindi niya ipahuli kung tutoo,” umpisa ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

Aniya, kung totoo man ito at may ebidensya ay bakit hindi pa raw ito hulihin at paniguradong mas hahanga ang madlang pipol sa kanyang tapang.

“Parang hindi ko ma imagine na mismo si Papa Digong nag-accuse nito eh bakit hindi hulihin kung may evidence para ipakita na kahit sino hindi puwede gumamit ng bawal na droga?

“Lalo pa siguro hahanga ang mga tao sa tapang ni Papa Digong kung ipapahuli niya iyon sinasabi niyang gumagamit ng bawal na drugs di ba? Hinihintay ng lahat kung sino ang kandidato, hinihintay ng lahat kung ipapakita ni Papa Digong na seryoso siya sa kanyang accusation,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Giit pa niya, magiging magandang halimbawa ito para sa lahat dahil malaking tao ang maipapakita nitong mapaparusahan sa paglabag ng batas.


Hinamon rin ni Manay Lolit na ibunyag na ni Pangulong Duterte kung sino man ang tinutukoy niyang presidential aspirant.

“Go Papa Digong, huwag gumaya sa mga showbiz writers na mahilig sa blind items, i reveal iyan, sabihin ang pangalan, huwag itago.

“Kung ikaw mismo hindi kaya sabihin ang name lalong hindi magagawa ng iba, kaya nasa iyo ang pag asa, will you let us have a President na gumagamit ng sabi mo cocaine ? Hindi ba malaking tulong sa bayan kung habang ikaw ang Presidente ay mapakulong mo ang taong ito?

“We are waiting for you, ikaw lang ang puwede magbigay ng pangalan at magpahuli sa malaking tao na binanggit mo,” pagkukumbinsi ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, sana raw ay hindi lang ito dirty politics kung saan pinagbibintangan lang ang kandidato para masira ang pangalan nito.

“Seryoso ang accusation kaya dapat tutoo at hindi paninira lang. Scary masyado na sobra ang bintang sa iyo na hindi naman tutoo. Kawawa naman ang magiging biktima nito,” sey ni Manay Lolit.

Saad pa niya, kung buong tapang na sinabi ng pangulo na gumagamit ito ng cocaine ay buo rin ang loob nito para sabihin ang pangalan ng kandidato.

“Tignan natin kung naiba na ang takbo ng pulitika, kung maging malinis na, wala ng basta bintangan at batuhan ng mga akusasyon, dahil truth will prevail.

“Hindi puwede itong itago. Lalabas din kahit matagal ang paghihintay. Bless our country my dear God. Save us from bad leaders. Amen.”

Related Chika:
Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil
Teleseryeng Sara-Bong Go-Digong-PDP-Laban, di kanais-nais

Read more...