Ogie may advice kay Kuya Kim: Tulungan mo na lang ang tatay mo

Ogie may advice kay Kuya Kim: Tulungan mo na lang ang tatay mo

NAG-REACT ang talent manager na si Ogie Diaz patungkol kay Kuya Kim na kamakailan ay laman ng balita matapos ang kanyang naging comment sa bagong achievement ni John Prats bilang direktor ng “FLJ’s Ang Probinsyano”.

Sa kanyang vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay napag-usapan nila ang bagong lipat sa Kapuso network na si Kuya Kim.

Ito nga ay matapos siyang batikusin ng madlang pipol sa kanyang comment sa Facebook post ni Camille kaugnay ng pagiging bagong direktor ni John Prats.

Nilinaw naman ni Kuya Kim na wala itong kinalaman sa “It’s Showtime” na dati niyang kinabibilangan.

Ngunit mukhang walang balak tumigil ang mga netizens at muli na naman siyang kinuwestyon at sinabing, “Sino si @kuyakim_atienza kung wala ang ABS na nagpsikat at nagpayaman sa kanya?”

Sinagot naman ni Kuya Kim na totoong ABS-CBN ang nagpasikat sa kanya ngunit mayaman raw ang kanyang napangasawa.

Kaya naman napa-react sina Ogie sa kanyang statement dahil parang ang ipinaparating raw nito ay parang ang asawa ang nagpayaman sa kanya.

Kaya naman ibinahagi ni Ogie ang nabasa niyang advice ng netizen para kay Kuya Kim.

“Kuya Kim, kung ako sa ‘yo, since nagba-viral ka sa kaka-post mo, tulungan mo na lang ang tatay mo na manalo sa vice president,” saad ni Ogie base sa sinabi ng netizen.

Sinang-ayunan naman ito ni Ogie at inaming may point ang netizen.

“Pero kung tutuusin, may point. Dapat talaga tinutulungan na lang ni Kuya Kim. I-post niya yung daddy niya,” saad niya.

Singit naman ni Mama Loi kay Ogie, “Ah, baka nagpapa-viral muna siya para marami ‘yung tututok sa kanya kapag ‘yung tatay na niya pinost nya.”

Sey naman ni Ogie, baka makumpara naman ang post niya kung sakali.

“Eh makukumpara pa tuloy. Eh kunyari, binulungan na ni Kim si Lito Atienza tapos hindi na-viral, paano?”

Pero reply ni Mama Loi kay Ogie na baka dahil hindi pa campaign season kaya hindi pa ipino-post ni Kuya Kim ang ama na tumatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na 2022 elections.

Related Chika:
Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

Read more...