Kris pumalag kay Herbert: Sana wag mo na lang baguhin ang kwento

Kris pumalag kay Herbert: Sana wag mo na lang baguhin ang kwento

HINDI na nakapagpigil ang Queen of Media na si Kris Aquino matapos maugnay ang kanyang pangalan sa pinag-uusapang deleted Twitter post ni Herbert Bautista patungkol sa kanyang “TOTGA” o “The One That Got Away”.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ito ng kanyang statement ayon sa isyung kumakalat.

“i’ve often been accused na mahilig magpapansin… But i do hope you’ve noticed the changes in me. My last post was on November 8, and today is November 20. My reason is simple- Mel is still adjusting to life w/ me and i’ve learned my lessons the hard way- the less you share, the better,” umpisa ni Kris.

Ngunit ngayon ay binabasag ng Queen of All Media ang kanyang katahimikan para protektahan ang sarili at ang mga taong naaapektuhan sa isyu.

Aniya, hindi perpekto ang relasyon nila ng kanyang fiancé na si dating DILG Sec. Mel Senen Sarmiento ngunit paniguradong masaya ang kanilang matchmaker na si yumaong dating Pangulo Noynoy Aquino na nakamasod sa kanila habang sinasabing, “si Mel lang pala ang kinailangan para matuto si bunso kung kailan dapat tumahimik.”

Kaya naman hindi niya hahayaan na may makagulo ss kanilang pagsasama lalo na’t nalalapit na ang kanilang simple at intimate na kasal.

“To the man Mel confronted, mahaba ang pinagsamahan natin. Sana wag mo na lang baguhin pa ang kwento?

“July 21, bilang respeto- sana naman natatandaan mo yung sinulat ko sa birthday/goodbye gift letter na personal kong inabot sa yo nung May 12, 2021- nasabi ko dun “we both deserve our versions of ME AFTER YOU” kaya nung alam na ng puso ko that it was Mel, i messaged you to ask if we could talk.

“Right away ikaw ang tumawag. Magaan ang usapan BUT i did tell you, BEFORE i told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun,” pagbabahagi ni Kris.

Aniya, alm naman na daw ng lahat na may bagong karelasyon na ngayon si Herbert kaya sana ay kung pag-uusapan ang kaniyang love life, mas mabuting ang present ang kanyang banggitin at hindi ang past.

“After 7 years of trying but not succeeding, siguro naman kilala mo na ang ugali ko. Kaya kong dumedma kung ako ang ginagamit o naaapakan BUT foul when it’s someone i love & value (in this instance my very soon to be husband na hindi ka naman ginulo o inagrabyado) then papalag ako,” matapang na saad ni Kris.

Giit pa niya, sang-ayon siya sa sinabi ng kanyang fiancé na hindi dapt gumamit ng ibang tao para lamang makuha ang atensyon ng publiko.

“I totally agree with what he said especially because sa survey na nakita ko, within striking distance ka na sa Magic 12- so there’s no need to use our past to gain attention.

“Trust in yourself, that your track record is more than enough to get you elected and have enough faith in the wisdom of the Filipino voters.”

Related Chika:
Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita

Read more...