GUMAWA ng pitong puntos sa huling yugto sa Dennice Villamor, kasama ang krusyal na tres, para igiya ang National University sa 70-65 panalo sa Ateneo de Manila University sa 76th UAAP men’s basketball tournamentt kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang tres mula sa magandang pasa ni Bobby Ray Parks Jr. ang nagpalamig sa pagbangon ng Blue Eagles na lumapit sa 65-63, upang wakasan ng Bulldogs ang kampanya sa elimination round bitbit ang 10-4 baraha.
Nakasalo ang Far Eastern University sa unang puwesto nang suwagin ang University of the Philippines, 87-69, ngunit ang NU ang siyang nakatiyak na ng twice-to-beat advantage sa Final Four dahil sa taglay na magandang quotient.
Kung manalo ang De La Salle University sa University of Santo Tomas sa Sabado ay magkakaroon ng three-way tie sa unang puwesto sa 10-4 baraha. Pero ang NU ang lalabas bilang number one dahil sa magandang quotient at maglalaban sa playoff ang Tamaraws at Green Archers para sa number two seeding.
Ngunit kung matalo ang La Salle sa UST, ang FEU ang kukuha sa unang puwesto at papangalawa ang NU.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.