Daniel nai-stress sa pagsabak ng mga magulang sa politika, payag bang mangampanya?

Daniel nai-stress sa pagsabak ng mga magulang sa politika, payag bang mangampanya?

NAI-STRESS ang Kapamilya actor at singer na si Daniel Padilla sa naging desisyon ng kanyang mga magulang na kumandidato sa 2022 elections.

Mismong ang TV host-actress na si Karla Estrada ang nagsabi na kahit hindi nagsasalita at naglalabas ng saloobin si Daniel ay nararamdaman niyang hindi nito kinakaya ang stress ng politika.
Tumatakbo si Karla bilang party-list nominee habang ang tatay naman ni Daniel na si Rommel Padilla ay kumakandidatong kongresista sa unang distrito ng Nueva Ecija.

“Ako talagang napaka-transparent ko sa ganyan. Na-stress ‘yung anak ko. Na-stress siya, hindi niya kinaya,” ang pahayag ng TV host sa vlog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.
Patuloy pa ni Karla, “Kasi si Daniel hanggat maaari ay umiiwas sa usaping politika. Tapos biglang, hindi man lang kapatid talagang parehong magulang niya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon.”
Tinanong din ang aktres kung nag-usap ba sila ni Daniel tungkol dito at kung paano niya in-explain sa anak kung bakit kailangan nilang sumabak sa politics.

“Si Daniel hindi masalitang tao pero 100% sa magulang ay doon ang kanyang suporta bilang kami ay kanyang mga magulang.

“Wala siyang sinasabi ngayon, pero hindi rin siya kumokontra sa amin. Actually ako kapag nagkukuwento ay happy siya. Basta ang importante ay masaya raw ako.

“Ganoon din sa ama niya. Walang problema si DJ. Pero alam ko ‘yung nasa loob niya parang ‘hindi ko kaya itong mga magulang ko,’ yung ganoon.

“Gusto niyang umakting ng ganu’n. Pero mabait kasi si DJ. Sa huli’t huli iisa lang ang nanay niya at iisa lang ang tatay niya, hindi ba? Eh saan pa ba ang suporta eh ‘di sa amin,” katwiran ni Karla.

Dagdag pa niya, “Pero kung ako ang masusunod ay okay naman ako kahit hindi siya sa shadow ko sa politika or kahit wala siya sa tabi ko sa politikang ito.

“Kasi paniwala naman ako na maniwala lang sa akin ‘yung mga tao na marunong akong tumulong eh okay na ako roon,” sey pa ni Karla.

Sabi pa ng aktres, hindi niya pipilitin si Daniel na ikampanya o suportahan siya sa kanyang kandidatura bilang third nominee ng Tingog, isang party-list na ang kasalukuyang kinatawan sa Kongreso ay si Yedda Romualdez.

Sa inilabas na statement ng ABS-CBN management, sinabi ng network na nirerespeto nito ang desisyon ni Karla na tumakbo sa Eleksyon 2022.

Related Chika:
Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

Read more...