HINDI na nakapagpigil si Kuya Kim Atienza sa mga bumabatikos sa kanya na wala siyang utang na loob sa ABS-CBN na naging tahanan niya for 17 years.
Ito ay matapos umusbong ang mga usap-usapan na patutsada sa kanyang dating noontime show na “It’s Showtime” ang comment niya sa post ni Camille Prats patungkol sa pagiging bagong direktor ng kapatid nitong si John Prats sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Aniya, “”Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo.”
Matatandaang naging direktor ng “It’s Showtime” noon si John ngunit dahil sa hectic schedule nito sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na nangangailangan ng mahabang lock-in tapings ay hindi na ito nagtuloy.
Dahil rito ay umani ng pambabatikos si Kuya Kim mula sa madlang pipol.
Sa Twitter ay isang netizen ang kumuwestiyon sa TV host.
“Sino si @kuyakim_atienza kung wala ang ABS na nagpsikat at nagpayaman sa kanya?”
Agad naman itong sinagot ni Kuya Kim.
“Amen sa nagpasikat pero mayaman ang napangasawa ko way before ABS. Kuya Kim became known because of ABS, yes.”
Aminado naman si Kuya Kim ba talagang nakilala at namayagpag siya noong nasa bakuran pa siya ng Kapamilya network.
Ilan rin sa nga shows niya ang talaga namang tinangkilik gaya ng “Matanglawin”, “TV Patrol”, “It’s Showtime”, at “Umagang Kay Ganda”.
Pero ngayon nga ay nasa GMA 7 na si Kuya Kim na naging kontrobersyal rin ang naging paglipat noong Oktubre 4.
Bahagi na rin siya ng tatlong Kapuso shows na “24 Oras”, “Dapat Alam Mo!” at “Mars Pa More with Pars Kim Atienza.”
Nilinaw rin niya ang kanyang naging comment na tila patutsada sa dating show na kinabibilangan.
“i didn’t mean anything negative with my comment. Being a friend of Diren Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking with a skeleton crew etc.
“I love my showtime family and will never say anything bas about them. Be safe everyone.”
Related Chika:
Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’
Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?