Karen super react sa pagwo-walkout ni KD matapos ma-nominate uli sa ‘PBB 10’ eviction

Karen super react sa pagwo-walkout ni KD matapos ma-nominate uli sa 'PBB 10' eviction

TRENDING ngayon ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Karen Reyes matapos mag-comment sa pagwo-walkout ni KD Estrada sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.

Sa pangatlong pagkakataon kasi ay muli na namang nominado at nanganganib na mapalabas sa Bahay ni Kuya si KD.

Mukhang hindi na kinaya ng binata ang sunod-sunod na pagno-nominate sa kanya ng mga kapwa housemates na tila ayaw na siyang makasama.

“Hearing my name getting nominated again parang it just hurt me.

“And I thought this week I was already improving myself. Ang sakit lang po,” pagbabahagi ni KD.

Dito nga ay nag-comment na si Karen Reyes na isa sa mga housemates noong “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4”.

Ani Karen, “Wag ka na umiyak dyan. Ako nga, hanggang last nomination night nominated e HAHAHAHAHA.”

Agad namang umani ng reaksyon ang comment ni Karen. May ilan pa ngang nagsabi na talagang minahal at pinanood nila ang edisyon ng PBB kung saan siya kasali.

“true toh! Kaya lagi akong kakaba kaba pag eviction hahahaha solid supporters mo toh! Keri pa ang mga regular load nun. Hahahahhaa wag ka kasama sa big 4.. muntikan pang maging big winner yarn. Hehehe.”

“Karen Reyes lang sakalam.”

“sobrang true. Grabe pinagdaanan mo sismars. Tutok ako dati lalo nung batch nyo hahaha.”

Ilan lamang ito sa mga comment ng netizen sa sinabi ni Karen.

Matatandaang isa si Karen sa mga housemates na tumatak noong “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4”.

Sa kabila ng pagiging nominado palagi ni Karen ay mas minahal siya ng mga manonood kaya naman nasa kanya pa rin ang nagwagi bilang 2nd Big Placer.

Ngunit sa kabila ng positibong komento ay may kumontra naman sa sinabi ni Karen.

Iba raw kasi ang sitwasyon ni KD ngayon sa sitwasyon ni Karen noon dahil may mental health issue ang binata.

“Lakas naman maka-invalidate ng feelings ng iba. miss ma’am, the world doesn’t revolve around you. magkakaiba ng emotional pain tolerance at sensitivity level ang bawat tao and telling someone to “stop crying” just to bring up your own experience is just straight up gaslighting.”

“May depression kasi siya kaya magka iba po way niyo kung paano tanggapin yung sitwasyon.”

“Pls dont compare iba iba naman way natin mag handle ng situation.”

“FYI Karen that young boy is suffering from a mental health issues you know nothing about. You think its funny to invalidate his reaction and emotional state just because your experiences was worst than his?

“You do not know how this challenges breaks every pieces of his sanity meanwhile for you its just INARTE. Do not mock the pain you have never been endured Karen! YO DO NOTE!!!”

Mukha namang walang ibang intensyon ang aktres sa kanyang comment at nais lang nitong sabihin na hindi lang si KD ang nakakaramdam ng parang pinagtutulungan at pilit pinapaalis sa bahay.

Anyway, malapit na ang eviction night at abangan na lang natin kung sino ang susunod na matsutsugi at hindi iniligtas ng madlang pipol kina Benedix, Chie, Eian, at KD.



Related Chika:

Karen Reyes may babala sa kapwa mommies: Singaw is not okay

Read more...