Karen Reyes may babala sa kapwa mommies: Singaw is not okay | Bandera

Karen Reyes may babala sa kapwa mommies: Singaw is not okay

Therese Arceo - November 12, 2021 - 02:15 PM

Karen Reyes may babala sa kapwa mommies: Singaw is not okay

NAOSPITAL ang anak nina dating Pinoy Big Brother housemate na si Karen Reyes at frontman ng Silent Sanctuary na si Sarkie Sarangay.

Sa kanyang Facebook at Instagram post ay ibinahagi ng aktres ang sinapit ng anak na si Lukas.

Ayon kay Karen, napansin niya na may mga singaw si Lukas. Inakala niya na simpleng singaw lang ito at mawawala rin.

“SINGAW IS NOT OKAY!

November 4 nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang. November 5 lunchtime, kumakain pa sya at nakakadede.

Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums nya. So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako na singawin sabi ko mawawala din. So I gave him paracetamol lang for the fever,” saad ni Karen.

Naisipan rin niya na ipa-teleconsult ang anak at binigyan siya ng antibiotic para sa sakit nito ngunit nahirapan si Karen na painumin ng gamot ang anak dahil walang laman ang tiyan nito at masakit rin ang bibig kaya naman nag-decide na silang dalhin sa ospital ang anak.

“So nagdecide na ako na ipaospital sya (the fact na ang hirap talaga magpaospital ngayon, dumagdag pa ang pasakit dahil before iadmit need mag-paswab para hindi na ma-isolate with other patients na may covid symptoms so we have to wait for 24hrs para sa result ng RTPCR)

“November 7, nanghihina na sya. Iba na din ang itsura ng muka nya, lumalamlam na ang mata nya. Dahil nga hindi makakain at makadede.

“So lumabas ang result ng RTPCR, which is Thank God negative… dumeretso na kami ng ER,” pagpapatuloy ni Karen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Karen Reyes (@justmekarenreyes)

Makaraan ng ilang araw ay wala naman daw nakitang ibang infection bukod sa singaw.

“Yes, naospital si Lukas ng dahil sa singaw. dumagdag pa jan ang tonsilitis… Ang laking pahirap para sakanya ng mga singaw na to,” dagdag pa ni Karen.

Hanggang ngayon ay naka-admit pa rin sila dahil mapula pa rin ang gums ng anak ngunit nakakakain na ito ay nakakadede nang paunti-unti.

Ayon raw sa doktor ay mababang resistensya raw ang naging sanhi ng pagkakaroon ng singaw ng anak ni Karen.

“Mga mommies, vitamins is REALLY A MUST!”

Sey ni Karen, itinigil raw kasi niya ang pagpapainom ng vitamins sa kanyang anak dahil iniluluwa lang nito ang gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dumagdag pa nga ang masyadong pagkain ng matamis ni Lukas at kakulangan sa water intake sa nangyari.

Babala pa ni Karen, “Sa mga mommies out there, wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang yan dahil pwede sya magspread sa bibig since its viral.”

Related Chika:
Rachelle Ann nag-panic, naiyak habang nagpapadede kay Baby Lukas: He choked and turned blue!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending