Kim Molina pambansang ‘friend’ ng mga artista; naiyak dahil kay Sarah G.

Kim Molina pambansang 'friend' ng mga artista; naiyak dahil kay Sarah G.

BINALIKAN ng aktres na si Kim Molina ang kaniyang journey simula noong bata patungo sa pag-abot ng kanyang pangarap nang mag-guest siya sa “Toni Talks” ni Toni Gonzaga.

Aniya, bata pa lang ay sumasali na siya sa mga singing competitions at ang unang rason ng kanyang pagsali ay dahil sinabi ng kanyang ama na bibilhan siya nito ng cellphone kapag sumali siya.

Matapos nito ay nagsimula na rin siyang mag-front act sa mga artista sa tuwing magko-concert ang mga ito.

Nang umuwi naman siya sa Pilipinas para mag-kolehiyo ay ddito na siya nagsimula sa pagsali sa mga teatro.

Ang unang role niya ay ang theater adaptation ng “Tarzan” kung saan gumanap siya bilang ape.

Sumunod naman ay “Carrie” at “Ghost”.

Sa closing night ng “Ghost” ay nanood sina Aicelle Santos at Myke Salomon para maghanap ng kanyang alternate para sa “Rak of Aegis” at dito na nga nagsimula ang pag-usbong ng karera ni Kim nang tanggapin niya ang offer bilang alternate ni Aicelle sa “Rak Of Aegis”.

Ayon sa kanya, ang “Rak Of Aegis” ang naging susi para magbukas ang mas marami pang oportunidad para sa kanya sa showbiz industry.

Ngunit tulad rin ng iba, nagsimula muna si Kim bilang sidekick o bilang dakilang “friend” ng mga bidang artista sa mga pelikula at teleserye.

Una siyang nagsimula bilang kaibigan ni Nadine Lustre sa teleseryeng “Til I Met You”.

“Suwerte ko non nag-start ako as friend kay Nadine [Lustre] sa Til I Met You. Lagi akong friend. Tapos naging friend rin ako ni Alex [Gonzaga] pero friend ko naman talaga ‘yon [in real life].

“Naging friend rin ako ni Ate Dimples [Romana] tapos naging friend rin ako ni Ate Angel [Locsin] sa General’s Daughter,” pagkukuwento ni Kim.

Kinuwento rin nito na naging kaibigan niya si Sarah Geronimo hindi lang sa pelikula kundi maging sa tunay na buhay.

“Hanggang ngayon mayroon [pa] rin akong [moment] na.. ‘Oh my gosh, naging friend ako ni Sarah Geronimo’,” saad ni Kim.

Una silang nagkasama sa pelikulang “Miss Granny” noong 2018.

“Nagkaroon kami ng second movie pa. ‘Yun ‘yung Unforgettable. Doon ko siya naging friend na character pero friend ko na talaga siya,” muling salaysay ni Kim.

Chika pa niya, may moment raw na naiyak siya nang mag-text si Sarah sa kanya.

“Nakakatawa, may story ako na ‘pag magtetext si Sarah, may time na umiyak ako. Nakita ni Gerald [at tinanong ako,] ‘Bakit ka umiiyak?’ [Sagot ko,] ‘Nag-text si Sarah Geronimo.’

Hanggang ngayon ay tila na-a-amaze pa rin ang singer-actress dahil hindi pa rin siya makapaniwala na kaibigan niya ang mga kilalang artista sa industriya.

“Nakaka-amaze kasi… pinapanood ko lang kayo sa TV,” ani Kim.

Related Chika:
MMK naging therapy para kay Kim Molina: Ang daming tinik na nabunot
Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Read more...