Joshua hirap na hirap umiyak sa unang pagsabak sa lock-in taping; nahiyang kaeksena si Charlie | Bandera

Joshua hirap na hirap umiyak sa unang pagsabak sa lock-in taping; nahiyang kaeksena si Charlie

Ervin Santiago - November 16, 2021 - 02:25 PM

Joshua Garcia at Charlie Dizon

“EWAN ko pagkagaling ko ng pandemic, pagkatapos kong magkulong parang sobrang tahimik ko na bigla paglabas ko. Nahirapan ako mag-adapt sa mga tao.”

Ito ang inamin ng Kapamilya young actor na si Joshua Garcia tungkol sa unang pagkakataon ng pagsabak niya sa lock-in taping para sa bago niyang drama series sa ABS-CBN na “Viral Scandal.”

Aniya, talagang medyo nahirapan siyang mag-adjust sa new normal ng pagte-taping sa gitna pa rin ng pandemya kaya apektado rin daw ang kanyang pag-arte sa ilang mahihirap at madadramang eksena.

“I think pinakanahirapan ako du’n sa crying scene. Basta may eksena du’n na kailangan ko umiyak. May nangyari sa past ng character ko. Nahirapan lang ako humugot na hindi siya natural sa akin kasi wala pang nangyari sa akin na ganu’n. 

“So yun lang yun nahirapan ako pero I think marami yung namamangha ako sa eksena ko. Siguro dahil nga nag-pandemic, nasa bahay lang kami, wala kaming ginagawa. 

“Tapos biglang back to acting kami na harapan so parang na-intimidate rin ako sa mga kaeksena ko. Nakakatuwa lang yung talent na binibigay nila. Nakakamangha lang,” pahayag ng binata sa nakaraang virtual presscon ng “Viral Scandal” na napapanood na ngayon sa Kapamilya channel.

Sabi pa ni Joshua, nahihiya nga raw siya sa leading lady niya sa serye na si Charlie Dizon dahil nga medyo nangapa siya noong unang sabak nila sa lock-in taping.

“Ewan ko pagkagaling ko ng pandemic, parang pagkatapos ko magkulong parang sobrang tahimik ko na bigla paglabas ko dun. Nahirapan ako mag-adapt sa mga tao, ganu’n. 

“Tapos nu’ng nagsimula kami nu’ng Viral medyo na-awkward ako kay Charlie nahihiya ako. Tapos sa mga eksena nate-tense ako. Ang dami agad mabibigat na eksena tapos may iyakan.

“At first nakaka-tense pero eventually habang tumatagal, ngayon pang-fourth cycle na namin yung susunod na pasok namin. Yung third cycle nalaman ko na okay na. Wala na yung wall before nung nagsisimula kami,” pag-alala pa ng aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Samantala, sa kuwento ng “Viral Scandal” gaganap si Joshua bilang architect na si Kyle Constantino na biglang magbabago ang takbo ng buhay nang makilala si Rica Sicat (Charlie) na naging biktima ng viral video.

Tanong kay Joshua, ano ang masasabi niya sa mga viral scandal ngayon sa social media, “That’s the good thing about me, hindi ako mahilig mag-social media so yun yung maganda rin sa akin medyo aware rin ako na alam ko na medyo wild yung social media, wild yung mga tao du’n. 

“But so far marami naman nagba-viral na magandang news about me so far and I think grateful ako na ganu’n pa ang lumalabas sa akin,” aniya pa.

Napapanood na ang “Viral Scandal” sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z at iba pang digital platforms ng ABS-CBN. Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Ria Atayde, Miko Raval, Jameson Blake, Markus Paterson, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending