Alodia sa paghihiwalay nila ni Wil: Hindi po ito prank...I wish it were, but no! Bandera

Alodia sa paghihiwalay nila ni Wil: Hindi po ito prank…I wish it were, but no!

Ervin Santiago |November 16,2021
share this

Alodia sa paghihiwalay nila ni Wil: Hindi po ito prank…I wish it were, but no!

Ervin Santiago November 16, 2021 - 01:12 PM

Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

MARAMING nagulat at nanghinayang sa paghihiwalay ng celebrity cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao at ng YouTuber na si Wil Dasovich.

Talagang bumuhos sa social media ang mensahe ng mga tagasuporta ng celebrity couple na nagsasabing sayang na sayang ang ilang taon nilang relasyon na nauwi lang din sa hiwalayan.

Unang nagpahiwatig si Alodia na may pinagdaraanan siya sa kanyang personal na buhay nang mag-post siya sa Instagram ng kanyang selfie photo habang nasa gym at may caption na, “It’s always empty here… parang puso ko. Choz! Hahaha!”

At ang kasunod na nga nito ay ang pag-amin niya na break na sila ni Wil sa pamamagitan ng Facebook, “To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be.”

Maraming nalungkot na Wilodia supporters dahil ang akala nila ay sa kasalan na mauuwi ang pagsasama ng dalawa. May nagkomento naman na baka raw isa lamang itong prank.

Kaya naman para sa ikatatahimik ng fans nila ni Wil, nagsalita muli ang cosplayer at vlogger sa kanyang Facebook livestream na may titulong “It is what it is.”

Paliwanag ng dalaga, “Sa mga nagtatanong pala, kasi may mga nagsasabi, ‘Is it a prank?’ to be honest, I don’t normally do pranks and wala pa akong time to make like yung mga ganung types of videos kasi po very busy ‘yung day ko. 

“I, like, have meetings kasi and I also manage Tier One behind the scenes, so may mga business meetings. I manage gaming streams, the company, and branded contents, so ‘yung mga ano… No, hindi po ito prank. I wish it were, but no,” diin pa niya.


Nagpasalamat din si Alodia sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya kahit na ano ang mangyari, “Thanks you, guys, for the support. Don’t worry, I’m okay. Pero nagulat po ako bakit po tayo trending sa Twitter. Hindi ko po ine-expect ‘yun. Gusto ko lang po kasi to be honest, it’s been a while and I just really want everyone to know the truth.”

“I’m not sad. Happy na lang tayo. Things happen for a reason, so okay lang. ‘Stay strong,’ yes, thank you, guys, for all the support.

“I’m seeing a lot of kind words. Pero I really don’t wanna talk about it. I’m not the type kasi to talk about my personal life. Hindi po ako ‘yung vlogger na nagpo-post masyado ng drama or whatever.

“I usually post about work, cosplay, gaming, the company Tier One, Blacklist International, and mga highlights ng games. Pero personal life, ayaw ko po talaga. 

“And for the past videos, I don’t monetize the videos. I mean, it’s just there for me to document. Like, ako kasi, mabilis akong makalimot ng stuff, so it’s just a diary for myself,” pahayag pa ng dalaga.

Sa isa namang game stream ni Alodia biglang dumami ang kanyang viewers at feeling niya abangers lang ang mga ito kung magbibigay siya ng iba pang detalye sa paghihiwalay nila ni Wil.

Pero aniya, “Wala po akong maikukuwento sa inyo. I mean, it is what it is. Ganu’n po talaga ang buhay. I mean, stuff happens or it’s not meant to be, and tinatanggap ko na lang po ‘yon.”

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending