Danica sinagot ang netizen na curious sa tawag nila kay Pauleen

Danica sinagot ang netizen na curious sa tawag nila kay Pauleen

Pauleen Luna-Sotto, Tali Sotto, Danica Sotto-Pingris

KAMAKAILAN ay nag-celebrate ng ika-33rd birthday ang TV host-actress na si Pauleen Luna-Sotto.

Present naman sa kanyang birthday ang mga anak ni Vic Sotto na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto kasama ang kani-kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Pauleen ang ilan sa mga litratong kuha sa kanyang intimate birthday party sa Instagram account niya.

“All things family today (heart emoji) blessed to have them! Endong my day with a happy, grateful and peaceful heart. Thank you, Lord!” saad ni Pauleen.

Nag-comment naman si Danica sa kanyang post.

“Happy Birthday again! (two heart emojis)” sey ni Danica.

May isang netizen naman ang tila curious at nagtanong sa anak ni Bossing.

“Hello Miss Danica, don’t get me wrong po ha.. per curioud po ako kung ano tawag nyo kay Pauleen? Kasi stepmom mo siya tapos matanda ka sa kanya.. hehe ask ko lang po curious lang.. thanks po God bless,” pagtatanong ng netizen.

Magiliw naman itong sinagot ni Danica.

“We call her Pauleen. Some of my cousins call her Tiya Pols. Term of endearment nila sa kanya,” reply ni Danica.

Nagpasala at naman ang netizen sa naging sagot ni Danica st binati rin ito ng “Advance Merry Christmass”.

At least ay nasagot na ni Danica ang tanong na paniguradong nais ring malaman ng iba pang mga netizens.

Kahit pa nga ganito ang kanilang set up ay nananatili namang maganda ang relasyon ni Pauleen sa mga anak ni Bossing. Aktibo rin ito sa pagko-comment sa mga posts nina Danica at Oyo Boy.

After all, malaki na sila at may kanya kanya nang pamilya at for sure ay hindi maman sarado ang isip nila at tanggap naman nila kung ano ang naging desisyon ng ama na nagmamahal lang rin naman.

At isa pa, sino ang hindi magiging masaya lalo na kung may magiging kapatid ka na kasing bibo at cute ni Tali na mahal na mahal nilang magkakapatid.

Related Chika:
Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you
Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Read more...