Samantha Panlilio aariba na para sa Miss Grand International 2021

NAGHAHANDA na rin para sa kanyang golden pasabog ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International 2021 na si Samantha Panlilio.

Samantha Panlilio

NAGHAHANDA na rin para sa kanyang golden pasabog ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International 2021 na si Samantha Panlilio.

Gaganapin sa Thailand ngayong Disyembre 4 ang final coronation night ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.

‘Third Sam’s a Charm’ ang peg ni Panlilio since siya na ang ikatlong Samantha na ipinadala ng Binibining Pilipinas Charity, Inc. (BPCI) na may hawak ng franchise nito.

Kung matatandaan, naunang sumabak noong 2019 ang Cebu stunner na si Samantha Lo at nito lamang 2020 naman ay naging matagumpay sa kanyang first runner-up finish ang Palawena na si Samantha Bernardo.

Kating-kati naman na ang mga Filipino pageant fans dahil sa dami ng high caliber candidates na pinapadala natin ay tila mailap pa rin ang golden crown para sa ating bansa.

Anyway, sa kanyang Instagram account, pak na pak ito sa kanyang swimsuit photoshoot habang inannounce ni Panlilio na aariba na siya in seven days sa Thailand.

“Sawasdee ka! At exactly this time next week, I’ll be arriving in Phuket. See you soon Thailand! #7moreDays”

Ilang araw din ang nakalilipas nang unang magbigay ng pasabog at hopeful message si Panlilio na this time ay makukuha na ang first-ever Miss Grand crown sa Pilipinas.

Aniya sa caption, “Life is about finding those silver linings and turning them into GOLD! See you in 9 daysl, Thailand”

Cheering up naman sa comment section ang BPCI na nagsabing “We can’t wait for you to raise our flag, queen!”

Binati rin at tila excited sa magiging journey ni Sam ang fellow queens nito na sina Bb. Pilipinas-International Hannah Arnold, Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, MUP Tourism 2021 Katrina Dimaranan, at Bb. Pilipinas-Angeles City Francesca Taruc.

Sa kanyang ‘Travel in a new way to live with Covid-19’ video naman na mapapanood sa official Facebook page ng Miss Grand International, binanggit nito kung gaano naapektuhan ang bansa at ang kanyang pamilya na nasa tourism sector.

“I come from a place known as the Pearl of the Orient. Where adventures are endless and the people prosper by showcasing the majestic beauty of my country. However, the COVID-19 pandemic truly struck not only our economy but also the livelihood of millions.

And to address this issue, our government has taken preventive measures to hinder the spread of the virus by locking down certain communites.” ani ng 25-year-old beauty queen na nagtapos ng information management sa University of California Irvine.

Nakuha ni Samantha Panlilio ang pribilehiyong maging kinatawan ng bansa matapos irepresenta ang Cavite sa Binibining Pilipinas 2021 at naipanalo ang Bb. Pilipinas Grand International crown last July.

Siya ay pamangkin ni Myrna Panlilio, ang kauna-unahang Binibining Pilipinas, at naging kinatawan ng Miss Universe noong 1964.

Related Chika:

Miss PH Samantha Bernardo: Isang karangalan mahal kong Pilipinas…I know I did my best

Miss PH Samantha Bernardo lumafang ng bulate sa Thailand; mga kapwa beauty queen na-shock

Ka-lookalike nina Pia at Arci waging Bb. Pilipinas International 2021; 3 pang kandidata nag-uwi ng korona

Read more...