Rumored BF ni Nadine, aprub nga ba sa kanyang pamilya?

Rumored BF ni Nadine, aprub nga ba sa kanyang pamilya?

USAP-USAPAN ngayon ang mga litrato ng pamilya ni Nadine Lustre kasama ang rumored boyfriend nitong si Christophe Bariou habang nagbabakasyon ang mga ito sa Siargao.

Ang mga larawan ay in-upload ng ama ni Nadine na si Ulysses Lustre sa kanyang Facebook account.

“Getting fat 101,” caption ng ama sa naturang post.

Matatandaang matagal nang chika na may bago nang karelasyon si Nadine matapos kumalat ang balita noong Agosto na nakikita ang dalaga kasama ang isang French guy ang aktres habang namamalagi ito sa Siargao.

Kalaunan ay napag-alaman na ang French guy na palaging kasama ng aktres sa Siargao ay si Christophe Bariou.

Matapos nito ay kumalat rin ang larawan nila ni Nadine na magka-holding hands habang naglalakad sa mall.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin kinukumpirma ni Nadine kung dyowa na nga ba talaga niya ito o hindi.

Wala mang kumpirmasyon kung ano ang papel ni Christophe sa buhay ng aktres, mukhang aprub ang binata sa pamilya ng aktres.

Matatandaan rin napabalita noon na spotted si Christophe na kumakain kasama ang aktres at ang ama nito na tila pormal na ipinapakilala ang binata sa ama.

Samantala, marami sa mga netizens ang masaya dahil nakikita nilang nakikipag-bonding sa pamilya ni Nadine ang rumored boyfriend nito.

“So nice to see Nadine with her family. Positive and good vibes ang aura nya lately. Love moves in mysterious ways talaga,” comment ng isang netizen.

“Good vibes, pag malapit sa pamilya plus points yan sa bf or gf,” hirit naman ng isa pang netizen.

Ang mga larawan ay kuha noong birth week ng aktres. Marahil ay nag-celebrate muna ito ng kanyang kaarawan bago sumalang sa paggawa ng proyekto.

Sa ngayon ay naka-lock in taping na si Nadine kasama sina Diego Loyzaga para sa upcoming film nito sa Vivamax.

Ito rin ang kauna-unahang proyekto ng aktres sa Viva matapos ang legal issues ng aktres sa kanyang talent management.

Related Chika:
Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

Read more...