Merlat nahuling kumakalabit sa isang pulis gamit ang GPS Bandera

Merlat nahuling kumakalabit sa isang pulis gamit ang GPS

|November 08,2021
share this

Merlat nahuling kumakalabit sa isang pulis gamit ang GPS

November 08, 2021 - 12:47 PM

NANGYAYARI pala talaga sa totoong buhay ang mga eksena sa pelikula kung saan natitimbog ang panloloko ng karelasyon gamit ang global positioning system o GPS.

NANGYAYARI pala talaga sa totoong buhay ang mga eksena sa pelikula kung saan natitimbog ang panloloko ng karelasyon gamit ang global positioning system o GPS.

Thanks to GPS dahil nabisto ng isang Mister ang kanyang asawang kumakalaguyo ng isang pulis sa isang hotel sa Quezon province.

Batay sa spot report na inilabas ng Philippine National Police (PNP), nangyari ang insidente nito lamang Nobyembre 5, 2:30 ng hapon sa Barangay Bocohan, Lucena City.

Wais din si Mister dahil matapos sundan gamit ang GPS ang kanyang asawa, agad itong nakipagtulungan sa mga pulis.

Pinuntahan naman nila ito sa sinabing hotel at doon nga nahuli ng Mister ang isang PNP member na nakadestino sa Quezon Provincial Health Service Unit. Ang nakakaloka, nakabalot lamang ng tuwalya ang pulis habang ang kanyang asawa ay hubo’t hubad.

Ayon sa PNP, “maaaring mayroong sexual relationship” ang dalawang suspek na nakita sa hotel.

Inaresto naman ang babae dahil sa adultery habang ang pulis na kinasama nito ay nakatakas.

Sa ilalim ng Article 333 ng Revised Penal Code, tumutukoy ang adultery sa relasyon ng babae sa ibang lalaki na hindi niya asawa. Dito, sasampahan ng kaso ang kumakabit na lalaki at ang misis.

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending