MAJA kay GERALD: Grabe siyang magparamdam ng pagmamahal! | Bandera

MAJA kay GERALD: Grabe siyang magparamdam ng pagmamahal!

Ervin Santiago - September 12, 2013 - 03:00 AM


KUNG noon ay sobrang selosa si Maja Salvador, nagbago na raw siya ngayon. Sa maikling panahon ng pakikipagrelasyon niya kay Gerald Anderson ay natutunan daw niya kung ano talaga ang ibig sabihin ng salitang “pagtitiwala”.

Very open na sina Maja at Gerald sa kanilang affair, kung noon ay parang ang damot-damot nilang mag-share ng kaganapan sa kanilang personal na buhay, ngayon ay unti-unti na silang nagiging mapagbigay, lalo na sa kanilang mga fans.

Sey ni Maja sa isang interview kung gaano niya kamahal si Gerald, “Kulang ang words kasi…grabe kasi siya magparamdam din kung gaano ako ka-special.”

At sabi nga ng aktres, simula nang maging sila ni Gerald, mas naging positive ang outlook niya sa buhay, tulad ng, “Selosa ako eh, pero ngayon nako-control ko na. Oo, kung yung dati mapag-check ako ng phone, ngayon wala.

Parang feeling ko kasi may mga bagay na parang meron kayong sine-share sa isa’t isa, meron din naman yung sa sarili mo lang.”
Inamin din ni Maja na all out din siya kung magmahal, hindi lang sa boyfriend, “In general ha, ano, buhos ako, eh.

Pero alam ko pa naman magtira sa sarili ko. Pero gusto ko yung mga mahal ko sa buhay, kung kaya kong gawing happy sila o mapasaya sila kahit sa mga maliliit na bagay, gagawin ko kasi sobrang mahalaga sa akin kapag nakikita ko na napapangiti sila.”

Hindi na rin masyadong nagpapaapekto ang aktres sa mga paninira ng detractors nila ni Gerald, kabilang na nga riyan ang mga fans ni Kim Chiu na dati niyang best friend na kaaway pa rin niya until now.

“Basta ako, sobrang okay ako ngayon, masaya. Puro work, work, work kasi e, so hindi mo mararamdaman ang problema, ang stress sa buhay.

Parang siyempre di ba, it’s your choice kung paano mo iha-handle yung mga problems or yung mga darating, yung mga mangyayari sa buhay mo, and it’s your choice kung didibdibin mo at lagi mong iintindihin yun or yung positive ka lang at work lang ng work,” sey ni Maja.

Ten years na sa showbiz si Maja at ang tanging wish niya ngayong isang dekada na siya bilang artista, “Sana maka-achieve pa ako ng another 10 years tapos, sana marami pa akong awards.

Sana makaggawa din ako ng pelikula na mare-recognize din internationally, tapos makatrabaho ko pa yung mga magagaling nating artista.”

At kung meron daw gustong gawin si Maja sa nalalapit niyang birthday sa susunod na buwan, “Yung totoo yung isang dream ko sa buhay ay yung mag-travel around the world, na hindi trabaho kasi parang yung minsan may kasama, minsan yung ikaw lang kasi para sa akin minsan maganda din na pupunta ka na out of the country na ikaw lang mag-isa tapos i-explore mo yung place.

“Tapos ikaw din mismo for sure may malalaman sa sarili mo na kung meron kang madidiscover sa sarili mo na ganito pala kapag nandito sa bansang ito.

Minsan kailangan ng ganu’n para mas makilala yung sarili mo hindi yung ibang tao ang nagsasabi sa iyo,” pahabol pa ni Maja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending