Klea sa tambalan nila ni Jak: Hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian | Bandera

Klea sa tambalan nila ni Jak: Hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian

Ervin Santiago |November 07,2021
facebook
share this

Klea sa tambalan nila ni Jak: Hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian

Ervin Santiago - November 07, 2021 - 11:55 AM

Klea Pineda at Jak Roberto

DEDMA lang ang Kapuso actress na si Klea Pineda sa mga tsismis tungkol sa kanila ng tinaguriang Pambansang Abs na si Jak Roberto na leading man niya sa Kapuso series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye.”

In fairness, puring-puri ng mga manonood ang dalawa sa nasabing afternoon drama series ng GMA 7, puro positive ang reaksyon ng viewers sa kanilang mga madadramang eksena.

Kaya nga may mga nagtatanong kung hindi raw ba nagkadebelopan ang dalawang Kapuso stars habang ginagawa nila ang “Never Say Goodbye”. Bagay na bagay din daw kasi ang dalawa dahil sa lakas ng  chemistry nila on screen.

Dito namin naalala ang sinabi noon ng girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza patungkol sa mga kaganapan sa mga lock-in taping.

Bago kasi sumabak sa taping si Jak para sa “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” ay pabirong nagbigay ng warning si Barbie na mag-ingat ang binata dahil marami raw nagkakadebelopan sa lock-in shoot.

Sinagot naman ito ni Klea ng, “Well, sigurado naman akong nagdyu-joke lang si Barbie. Alam ko naman na very professional na actress si Barbie. Yeah, totoo, maraming nagkakadebelopan sa lock-in taping.

Klea Pineda inatake ng depresyon dahil sa body shaming: Humahanap sila ng butas para hilain ka pababa


“Pero walang kahit na anong nangyari or kahit anong personal na bagay na nangyari sa lock-in taping dahil lahat kami doon, naka-focus sa trabaho. And gusto namin na matapos ang trabaho nang maayos,” paliwanag ni Klea.

Diin pa ng StarStruck Ultimate Female Survivor, “Hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian or what. Pumunta kami sa lock-in taping para gumawa ng isang proyektong napakaganda.”

“Nabalitaan ko yung warning-warning, but I think katatawanan nilang dalawa yun. Parang isa yun sa mga hiritan nila ni Jak and ni Barbie.

“And siguro naman, alam ko naman na maiintindihan ni Barbie kung ano ang trabaho ni Jak at si Jak naman, naiintindihan kung ano ang trabaho ni Barbie,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)


Samantala, walang masabi si Klea sa galing ni Jak sa “Never Say Goodbye”, “Working with him, napakagaan. Kasi nga nagsusuportahan kami. On-cam, off-cam, nandiyan ang collaboration namin. Siyempre, hindi mawawala yun dahil yun ang napaka-importante.

“Siyempre, respeto namin sa trabaho sa isa’t isa dahil mabigat na nga yung eksena. Kung pahihirapan pa namin ang isa’t isa sa eksena, walang mangyayari.

“So kailangan talaga naming mag-effort na dalawa para makabuo ng isang magandang eksena. Kaya nakakatuwa na very professional si Jak pagdating sa mga eksena. Pagdating sa set, alam mo na kabisado na namin yung mga linya namin para rin mapabilis ang mga trabaho,” ani Klea Pineda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa GMA Afternoon Prime.

Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending