Jessy, Luis may pa-house tour; magkaka-baby na kaya?

Jessy, Luis may pa-house tour; magkaka-baby na kaya?

MUKHANG ready na ang mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na pasukin ang panibagong yugto ng buhay — ang pagiging mga magulang.

Sa latest vlog ni Jessy ay ipinasilip nila ng asawang si Luis ang kanilang bagong tinitirhan.

Ang bahay na ipinasilip nila ay isang –
4-bedroom rental home na titirhan nila sa loob ng dalawang taon habang nire-renovate pa ang kanilang dream house. Simple lang ang pansamantala nilang tinitirhan pero classy at elegant ang vibes nito.

Ipinasilip nila ang kanilang living area, dining area, kitchen, garden, outdoor gym.

Ipinakita rin ng mag-asawa ang second floor kung saan naroon ang kanilang master’s bedroom, guest room, pati na rin ang magsisilbing cloffice o closet/office ni Jessy.

“Pero nakikita niyo, sobrang bare nung bahay namin ‘di ba. ‘Di naman sobrang bare pero medyo may mga corners pa na lalagyan pa namin ng mga gamit kasi hindi pa talaga kami tapos dito sa house. Pero gusto na naming ipakita sa inyo kasi masyado na siyang nakikita sa mga videos namin online,” paliwanag ni Jessy.

Aniya pa, unang beses pa lang nilang nakita ni Luis ang bahay ay agad na nila itong nagustuhan.

“First natin nakita ‘yung bahay na ‘to, na-in love tayo agad ‘no? Nasa lima ‘yung tiningnan naming [bahay, pero nung nakita namin ‘to] sobrang nagustuhan namin.

“Kasi ayaw din namin ng sobrang laki na bahay, eh kaming dalawa lang naman tapos syempre ‘yung mga kasambahay namin. Parang apat lang naman sila. So parang ang gusto namin, ‘yung mame-maintain talaga namin na bahay for two years.”

Dagdag pa niya, “Sobrang simple lang nung bahay. Siyempre sa panahon ngayon, kailangan practical. Ayaw naming mag-all out muna para doon sa dream house talaga namin.”

Habang naglilibot sila sa bahay ay biglang na-open up ni Jessy ang pagkakaroon ng baby.

“Feeling ko nga dito na ako magbe-baby e, ‘yung first baby namin,” sey ni Jessy.

Mapapansin rin sa naturang vlog na tila naglaan ng nursery room sina Jessy at Luis.

“Bawal niyong makita, kasi ito pa ‘yung… storage pero talagang future baby room,” dagdag pa ni Jessy.

“Yes, andu’n na nga ‘yung mga tsupon e,” dagdag pa ni Luis.

Samantala, nabanggit rin ni Luis sa isang vlog niya habang nasa isang resort sila sa Batangas na nais niyang maging kamukha ni Jessy ang kanilang magiging anak.

“Sana talaga pag baby girl, well kahit anong anak natin, sana kamukha mo,” saad niya.

“Pag kamukha mo baby natin, for sure, hindi ko papalabasin ng bahay. Pag kamukha ko anak natin, by 3 years old papalayasin ko na ‘yun,” biro pa niya.

Anyway, panigurado naman na kahit sino man ang maging kamukha ng magiging baby nila ay magiging cute ito.

For sure, excited na ang mga netizens na makita ang little Jessy and Lucky.

Related Chika:
Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal
Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Read more...