Alice Dixson ipinakita ang kanyang baby girl

Alice Dixson ipinakita ang kanyang baby girl

Credit: Alice Dixson/Instagrami

MARAMI ang naaliw sa aktres na si Alice Dixson matapos nitong ipakita sa mga netizens ang itsura ng kaniyang baby girl.

In-upload ni Alice ang litrato nila ni baby Aura sa kanyang Instagram stories. Sa nasabing litrato ay nakangiting nakatingin si Alice sa kanyang baby. Twinning rin sila sa kanilang Halloween costume na “The Incredibles”.

Kitang-kita sa litrato na masaya ang dalawa na first time mag-celebrate ng Halloween together.

Bagamat ipinakita na ng aktres ang kanyang baby ay nananatili pa rin itong misteryo dahil naka-mask si baby Aura.

 

May isa pang post ang beteranang aktres habang buhat niya si baby Aura ngunit nakatalikod naman ito kaya hindi pa rin nare-reveal ang tunay na itsura ni baby Aura. Twinning rin ang naging OOTD nila sa nasabing post.

Abril 2021 nang ibahagi ni Alice ang pagkakaroon nila ng first baby ng kanyang longtime non-showbiz partner.

Sa kanyang nakalipas na interview kay Karen Davila noong 2019 ay inamin niya na sinubukan niya rin ang magbuntis ngunit nag-decide na lamang sila ng kanyang partner na subukan ang surrogacy.

Kahit ang kanyang longtime non-showbiz partner ay nananatili pa ring misteryo sa madlang pipol.

In fairness kay Alice, magaling siya sa pagpapanatiling sikreto ang identity ng kanyang pamilya. Marahil ay nais lamang niyang protektahan ang mga ito at panatilihing pribado at payapa ang kanilang buhay lalo na’t masyadong magulo at makulay ang buhay showbiz.

Pero hindi rin maiiwasan na mas ma-curious ang mga netizens lalo na ang ating mga “Marites”.

Kailan kaya ang magiging face reveal ni baby Aura? For sure ay talagang napakaganda nito tulad ni Alice.

Related Chika:
Alice ipinakilala na ang baby sa publiko: Babae po ang anak ko, her name is Aura
Alice nag-a-adjust pa bilang mommy ni Baby Aura: Hindi ko pa siya nalalaro at nakakasama ng 100%

Read more...