NANAWAGAN ang aktres na si Heart Evangelista sa madlang pipol upang tulungan siyang mahanap ang isang aso na nagngangalang “Luka”.
Noong Nobyembre 3, nag-tweet si Heart patungkol sa nawawalang aso at kung sino man ang makakapagbalik ay magkakaroon ng pabuya na nagkakahalagang P10k.
“Help us find him,” tweet ni Heart kasama ang litrato ng aso.
Matapos ang dalawang araw ay hindi pa rin nakikita si Luka. Muling nag-tweet si Heart at tinaasan na ang dating cash reward na P10k. Ngayon, P50k na ang matatanggap na pabuya ng taong makapagbabalik kay Luka.
“Sana matulungan niyo kami… Baka na sa edsa siya? He is very afraid of people so baka nagtatago sa bridge…” muling tweet ni Heart.
“Last seen outside dasma village, around alpha land…” dagdag pa ng aktres.
🙏🏻sana matulungan niyo kami … Baka na sa edsa siya ? He is very afraid of people so Baka nagtatago sa mga bridge … last seen outside dasma village , around alpha land … pls refer to my other post for contact details pic.twitter.com/H7OuEQeAuQ
— LoveMarie O. Escudero (@heart021485) November 3, 2021
Ang nasabing aso ay hindi pagmamay-ari ni Heart kundi ng kanyang kaibigan na si Celine Lopez.
“Please DM me for any leads. The reward is 50k if you can bring him back to me,” saad niya sa kanyang Instagram post.
Mukhang tumutulong lang si Heart para ipakalat ang balita upang mahanap agad ang nawawalang aso.
Marahil ay bukod sa malapit niya itong kaibigan, ramdam ni Heart ang sakit na nararamdaman nito sa pagkawala ng alaga.
Isa si Heart sa mga celebrities na kilala sa pagiging mahilig sa pag-aalaga ng mga aso. Sa katunayan, makikita sa kanyang Instagram kung gaano niya kamahal ang kanyang mga alaga.
Related Chika:
Bakit takot na takot si Mariel Rodriguez sa mga aso?
Netizens nag-react sa sosyal na pagkain ng alagang aso ni Heart: Inulam ko pa naman yan kahapon!