Aiko nanawagan sa nagbabaklas ng kanyang tarpaulins: Lumaban po tayo ng patas

Aiko nanawagan sa nagbabaklas ng kanyang tarpaulins: Lumaban po tayo ng patas

AIKO MELENDEZ

ANG saya-saya ni Aiko Melendez dahil pawang positibo ang mga komento ng mga co-actors niya sa drama series na “Primadonnas” na isa-isa niyang in-interview sa kanyang vlog na in-upload niya nitong Martes.

Bigla siyang nakatanggap ng video mula sa isang netizen na tinatanggal ang mga tarpaulin niya sa barangay na nasasakupan ng Distrito 5 ng Quezon City kung saan kumakandidato siya sa pagka-konsehal.

Ayon sa netizen na kumuha ng video, “Happened at Franville 3 Brgy Kaligayahan. Happened between 11:30pm.”

Nag-imbestiga muna ang aktres bago niya ipinost ito kaninang madaling araw.

Ni-repost niya ang video at ang caption, “Paano tayo magiging mabuting leader ng QC kung nagbibigay tayo ng masamang ehemplo sa mga tao po.

“Hindi ‘yung kakaunti na nga lang po ang tarpulins ko binabaklas n’yo pa po. Dahil ba kayo ang naka upo? Dahil kayo ang makapangyarihan sa Barangay Kaligayahan? Dahil kayo ang asa administrasyon? Sana naman po lumaban po tayo ng patas po.

“Nakuhaan po namen ng video ang L300 na nagbabaklas utos daw ng kinauukulan. Sana lumaban po tayo ng patas. Kasi kandidato naman tayo pare-parehas na gustong maglingkod at magpakita ng magandang ehemplo sa Quezon City.

“Sa mga ka-distrito ko na inuutusan ng mga me kapangyarihan sa posisyon para magtanggal ng tarpulins ko, Pag mali po ang utos ‘wag sundin dahil labag po yan sa batas. Laban lang po parehas (emoji praying hands).”

Halos lahat ng nagkomento ay iisa ang sinabi, “’Wag ganun lumaban po ng patas..”

At ito pa, “CGURO NAPAKALAKING BANTA SAU AT SA NAUTUSAN NYONG MGA TAO ANG HANGARING MULING MAG SERBISYO ULIT ANG ATING DATING KONSEHALANG SI MAM Aiko Melendez WAG KAU MAG ALALA MAY MGA SARI SARILING TAMANG PAG IISIP ANG NAKAKAKITA SA INYO AT SA GINAGAWA NYO …GOD BLESS U SA INYONG LAHAT.”

Mukhang may alam ang kilalang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz dahil nagsabi siya ng, “Juice ko! Hindi na talaga nagbago ang kampo niya no? Grabe pa din insecurity sa yo. Konsehal naman ang tatakbuhin mo, hindi naman lalabanan ang “manok” niya. Sana ‘wag namang makarma ang may kagagawan niyan. I-reveal ko na ba, Aiko Melendez?”

Mula rin kay Jhenny Mata Guillen, “Very wrong po. Be fair nmn sna. WAG PO GANUN…At least it’s a good sign dhl sa gingwa nio pinapakita nio lng n u are threatened ky Ma’am Aiko Melendez.”

Sa kasalukuyan ay umabot na kulang 200 na ang nag-react sa FB post na ito ni Aiko at kulang 100 shares.

Related Chika:
Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…
Aiko nanawagan para sa mga delivery rider: Pabayaan n’yo na lang ang mga malilit na bagay…

Read more...