MARAMI sa mga netizens ang naaliw nang maglabas si Donnalyn Bartolome ng teaser para sa kanyang vlog kung saan ay gagawin nila ang popular Netflix series na “Squid Game” bilang selebrasyon ng kanyang pagkakaroon ng 8 million subscribers sa YouTube.
Talaga naman kasing hawig ang mga napili ni Donnalyn sa mga naging cast ng naturang South Korean series.
Si Baron Geisler ang nagsilbing player 456 Lee Jung-jae. Si Paul Salas bilang player 218 Cho Sang-Woo. Si Richard Juan bilang player 067 Kang Sae Byeok. Si Marvin Fojas bilang player 199 Abdul Ali. Si Rastaman bilang player 001 Oh Il-Nam. Si MNL48 Coleen Trinidad bilang player 240 Ji-yeong. Si Ghostwrecker bilang player 101 Jang Deok-Su. Si Donnalyn Bartolome bilang player 212 Han Mi-Nyeo. At si Boobsie naman bilang game doll.
Kaya naman inaabangan na ng mga netizens ang magiging vlog nito. May ilan pa nga na pabirong nag-comment na i-a-unfollow si Donnalyn sakaling mawala ang kanilang mga paboritong scenes sa magiging Filipino version ng nasabing series.
Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit nag-trending ito at may daang libong views agad nang i-upload ni Donnalyn ang part 1 ng video kagabi, Nobyembre 2.
May ilan naman na nadismaya dahil tila naka-private ang vlog ni Donnalyn kaya naman inabot ng pambabatikos ang dalaga.
Nagkaroon pala ng technical problems gawa ng YouTube.
“Hindi ako paasa babies, can’t you see you’re the best subscribers on earth! That’s why I always make an effort to be deserving of you.
“Turns out this happens on YouTube. Locked as private. Di aakyat sa trending if I private so that’s the last thing I want. Tech difficulties, out of my control.. kaya nakipaglambingan nalang ako sainyo kagabi cause di ko na alam gagawin ko sa tindi ng stress ko hahahahaha, sleepless for 2 freaking days trying to find a way for you to be able to watch it. Kaya hindi ako nagkakalovelife neto eh
“We couldn’t find anything we did wrong. Ako na nga nag-acapella sa intro ng squidgame “Heee Hooo Heee Hoo” para nakong tange hahahahaha
but it’s available na! If not, log in first on yt nalang ha. Enjooooy! Trending tayoooo,” mahabang paliwanag ni Donnalyn.
Sa part 1 ng video ay matatawa ka na talaga dahil sa sobrang galing umarte ni Boobsie bilang game doll.
Lahat ng laro na ginawa sa “Squid Game” ay lalaruin nila with a twist. Ang una nga nilang nilaro ay “Green Light, Red Light” kung saan sack race ang naging istilo. Si Paul Salas na gumaganap bilang player 218 Cho Sang-Woo naman ang nanalo sa game 1.
Sa pangalawang game naman ay ang honeycomb challenge kung saan nagwagi si MNL48 Coleen Trinidad na gumaganap bilang player 240 Ji-yeong.
Dahil sila ang mga nanalo, nagkaroon sila ng chance na mamili ng magiging ka-team para sa tug of war game.
Ang mga susunod na mga laro naman ay mapapanood kapag na-upload na ang part 2 ng vlog ni Donnalyn.
Related Chika:
Donnalyn trending uli sa socmed; isyu sa kapwa vlogger mauwi nga kaya sa demandahan?
Tekla, Marco, Donnalyn nagkapikunan dahil sa ‘P1M pool challenge’, may nandaya nga ba?