Albie aminadong may ADHD; mas kalmado ang isip kapag nag-work out

Albie aminadong may ADHD; mas kalmado ang isip kapag nag-work out

ALBIE CASIÑO

ANG pagkakaroon kaya ng Attention-Deficit / Hyperactivity Disorder o ADHD ng aktor na si Albie Casino ang dahilan kung bakit na-trigger siyang muling balikan ang nakaraan nila ng dating nobyang si Andi Eigenmann?

Marami rin kasi ang nagtaka kung bakit biglang sumabog ulit ang nakatagong galit ni Albie kay Andi gayung halos isang dekada na ang nakararaan nu’ng huling nagkita sila at nakapag-sorry na rin pala ang ideal mom sa tatlong mga anak nito and soon to be Mrs. Philmar Alipayo who enjoys being an Island Girl lives in Siargao.

Sa nakaraang episode ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ay ipinagtapat ni Albie sa kapwa celebrity housemate na si Shanaia Gomez ng Rise artist na mayroon siyang ADHD.

Aniya, “If I don’t work out, I get stressed. You can’t talk to me straight,” sambit nito kay Shanaia.

At kay Kuya ay nakuwento na ng aktor na para kumalma ang kanyang pag-iisip ay kailangan niya ng mahabang oras na work out.

“Matagal po ako mag-exercise talaga, kasi ‘yan po ‘yung oras ko para ma-calm ‘yung mind ko. Wala akong ibang iniisip kundi ‘yung workout.

“Dahil po sa condition ko meron po kasi akong ADHD ‘yung utak ko, ang dami niyang iniisip palagi. Pag nakakapag-exercise ako, I’m in the moment na, ‘Walang ibang importante ngayon, except itong workout na ‘to,” kaswal na sabi ni Albie.

Base naman sa Google: ADHD is a medical condition that affects a person’s attention and self-control. Because of ADHD, people have a harder time staying focused. They may be more fidgety than others. ADHD can make it harder to control behavior, so kids and teens may get into trouble more.

The symptoms include an inability to focus, being easily distracted, hyperactivity, poor organization skills, and impulsiveness.

Sa kasalukuyan ay wala namang sagot si Andi sa pasabog ng dating katipan na si Albie sa kanyang social media bagkus ay pinost nito ang masayang road at food trip nilang pamilya.

Related Chika:
Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry
Albie supalpal sa kapatid ni Andi, ipinamukha ang ‘pagsisinungaling’ daw ng aktor

Read more...