WALO na Pilipino, sa pangunguna ni Dennis Orcullo, ang sigurado nang makakausad sa knockout round ng WPA World 9-Ball Championships 2013 na ginaganap sa Qatar.
Nanaig si Orcullo kina Majid Gharehgozlou ng India (9-1) at Tomasz Kaplan ng Indonesia (9-4) para manguna sa Group 16.
Nanalo rin ng magkasunod sina Antonio Gabica sa Group 2, Israel Rota sa Group 10 at Marlon Villamor sa Group 15.
Ang mga biniktima ni Gabica ay sina Sniegocki Mateusz ng Indonesia at Dominic Jaentsh ng Germany sa parehong iskor na 9-7.
Nagwagi naman si Rota kina Han Hao Xiang ng China (9-5) at Abdullah Al Yousef ng Malaysia (9-5) habang si Villamor ay namayani laban kina Kong Bu Hong ng Vietnam (9-4) at Nick Ekonomopoulos ng Greece (9-0) para samahan sina Orcullo at Gabica sa susunod na round.
Apat na Pinoy pa ang nakapasok sa KO stage mula sa losers side. Ito ay sina Efren “Bata” Reyes sa Group 1, Marlon Manalo sa Group 2, Mark Antony sa Group 4 at Carlo Biado sa Group 6,
Limang iba pang Pinoy ang kasalukuyang lumalaban sa one-loss side. Para makarating sa KO stage ay kailangang ipanalo ng mga ito ang huli nilang laban sa group stage.
Ito ay sina Ramil Gallego at Jeffrey de Luna sa Group 8, Lee Van Corteza sa Group 13, Francisco “Django” Bustamante sa Group 11 at Raymund Faraon sa Group 12.
Nasa one-loss side rin ng Group 10 si Alex Pagulayan ngunit nirerepresenta niya sa torneyong ito ang bansang Canada kung saan siya naninirahan ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.