Lolit nag-react sa pambabatikos ng netizens; may ibinuko kay Direk Dyogi?

Lolit nag-react sa pambabatikos ng netizens; may ibinuko kay Direk Dyogi?

INULAN ng pambabatikos sina Lolit Solis at Cristy Fermin mula sa netizens matapos ang bonggang pasabog ng dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemates na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ilang araw na ang nakakalipas buhat nang isigaw ng celebrity couple na mayroon na silang baby girl at kinuha pa ngang ninong si Big Brother.

Sa loob kasi ng bahay nagsimulang magkakilala at maging close ang dalawa kaya malaki ang naging parte ni Kuya sa kanilang naging love story.

Kaya namang marami sa mga netizens ang todo tag ang mga netizens sa mga “nanay” daw ng mga Marites na sina Lolit Solis at Cristy Fermin dahil hindi raw nila na-sense ang chika tungkol kina Elisse at McCoy.

Sa Instagram post ni Lolit Solis ay sinagot niya ang mga patutsada sa kanya ng mga netizens.

“Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah?” saad ni Lolit.

Aniya, ayaw na lang niyang seryosohin ang mga comments mula sa netizens pero meron pa rin naman daw siyang constructive criticisms na natatanggap kaya happy pa rin at may dagdag kaalaman rin siyang nakukuha.

“Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila.”

“Tutoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa,” pagpapatuloy niya.

Sa huli naman ay binati niya sina Elisse at McCoy at pinuri ang dalawa dahil naging matapang sila sa paglalahad ng kanilang istorya.

“Gusto ko batiin sila Elisse Joson at McCoy de Leon, dahil buong tapang nila inamin ang tunay nilang estado,” pa niya.

Bukod pa rito, marami ang naloka dahil sinabi ni Lolit na kinuha raw ng dalawa na ninong si Direk Lauren Dyogi.

“Kinuha nilang ninong ng baby girl nika si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nila manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi.

“Bongga. Iyan dapat ang pipili ng ninong at ninang, iyon may manahin maganda iyon baby nyo. Congrats again,” sey pa niya.

May mga netizens tuloy ang nagsasabi na nadulas raw si Manay Lolit at tila naibuko niya na si Direk Lauren at Big Brother ay iisa.

Matatandaang itinanggi na ni Direk Dyogi na siya si Big Brother sa kanyang naging interview kay Toni Gonzaga.

Related Chika:
McCoy, Elisse pinag-usapan kung bakit sila naghiwalay noon
Lauren Dyogi nagsalita na kung siya ba talaga ang mystery ‘Kuya’ sa PBB

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Read more...