TRENDING muli si Paolo Contis sa social media hindi dahil sa may isyu itong kinasasangkutan kundi dahil sa pagkakahawig ng aktor sa isang sculpture na in-upload ng isa sa mga members ng BTS na si J-Hope.
Isang oras matapos i-upload ni J-Hope ang mga larawan sa kanyang Twitter account, agad na nag-trending topic ang aktor.
— 방탄소년단 (@BTS_twt) November 1, 2021
Ibinahagi rin ng international boy group ang isang video kung saan makikita sina J-Hope at Hobi na lumalapit sa sculpture at ginaya pa ang itsura nito.
Marami tuloy sa mga netizens ang tila nainggit sa aktor dahil mas nauna pang napansin ng BTS ang aktor dahil sa pagkakahawig nito sa sculpture kesa sa kanila na ilang taon nang sumusuporta sa nasabing grupo.
Tinawag rin ng Pinoy fans ang nasabing sculpture na “Paolo Contis’ sculpture”.
“Congrats Paolo na-notice ka ng isang Jung Hoseok,” tweet ng netizen.
“Paolo Contis got noticed by Hobi before me. Life is so unfair,” comment ng isang fan.
“A rare photo of Hobi with Paolo Contis sleeping,” dagdag pa ng isang netizen.
Ayon sa Houston’s Museum of Fine Arts, ang trending sculpture ay self-portrait ng artist na si Ron Mueck at tinawag na “Mask II”.
Nakarating na kaya ang chika kay Paolo Contis? May mga nagbibiro pang mga netizens na nagsasabing close friend lang daw talaga ni Paolo ang gumawa ng sculpture at ginawa raw ito habang mahimbing na natutulog si Paolo.
Anyways, tru na tru at hawig na hawig talaga ito ng aktor bukod lang sa exaggerated ang laki ng ulo ng sculpture.
Related Chika:
Arci proud ARMY; lumipad pa-Korea makanuod lang ng concert at pumila ng 5 oras para sa BTS merch
SB19, BTS, Blackpink, Ariana Grande maglalaban sa ‘Top Social Artist’ Billboard Music Awards 2021