Kris naloka sa ipinadalang costume ng asawa para sa Halloween | Bandera

Kris naloka sa ipinadalang costume ng asawa para sa Halloween

Therese Arceo - October 30, 2021 - 06:03 PM

Kris naloka sa ipinadalang costume ng asawa para sa Haloween

HINDI kinaya ng aktres na si Kris Bernal ang ipinadalang Halloween costume ng asawa nitong si Perry Choi sa kanya.

Nag-request kasi si Kris sa asawa na padalhan siya ng costume para sa gaganapin na virtual Halloween party niya kasama ang kanyang fans at supporters.

Sinunod naman siya ng kanyang asawa at nagpadala ng costume na siya namang ikinagulat niya.

Isang dinosaur na costume ang ipinadala ni Perry sa kanya. Ibinahagi niya sa kanyang IG story ang isang video kung saan hirap na hirap ang aktres na isuot ang nasabing dinosaur costume.

“I asked my husband to send me a costume for a zoom halloween party with my fans and he got me this,” caption niya sa IG story.

Nang sa wakas ay natapos na niyang isuot ang napakahirap na costume ay nagpasalamat si Kris sa kanyang asawa.

“Thank you Perry ha dito sa costume. Okay talaga ang ibinigay mo sa akin. Galing ng asawa ko. The best ka talaga! The best,” saad pa ni Kris.

Isang buwan na ang nakakalipas nang magpakasal ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Hindi rin naging madali ang pinagdaanan ng dalawa sa pagpapakasal lalo pa’t ang laking hamon ng pandemya sa kanilang pag-iisang dibdib.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang beses na ring na-move ang kanilang wedding dahil na rin sa nagiging pabago-bagong quarantine guidelines na inilalabas ng gobyerno dulot ng COVID-19 pandemic at sa wakas ay natuloy ang kanilang inaasam na kasal noong Setyembre.

Laking pasasalamat rin ni Kris nang payagan siya ng kanyang asawa na mag-lock in taping nang mahigit isang buwan para sa kanyang teleserye kahit na katatapos lang ng kanilang kasal.

Related Chika:
Kris Bernal ‘hulog ng langit’ ang turing kay Perry Choi: Thank you for giving me my dream wedding…
Kris emosyonal sa muli nilang pagkikita ni Perry Choi: We’re both super afraid of COVID…thank you, Lord!
Kris Bernal sinabihang super arte dahil ayaw ng simpleng kasal: Gusto ko kasi grand lahat!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending