James nag-react sa engagement nina Kris at Mel: I’m happy for her

James nag-react sa engagement nina Kris at Mel: I'm happy for her

HAPPY ang PBA superstar ba si James Yap sa engagement ng kaniyang dating asawang si Kris Aquino kay ex-Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento.

Matatandaang noong Oktubre 24 lang nang ginulat ni Kris ang madlang pipol sa anunsyo nito na engaged na sila ni Mel na nakilala niya dahil sa yumaong kapatid na si dating Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nanungkulan si Mel noong termino ni Pres. Noynoy bilang DILG Secretary mula Setyembre 3015 hanggang Hunyo 2016.

“Happy for her (three thumbs up),” ito ang saad ni James nang tanungin siya ukol sa kanyang reaksyon patungkol sa engagement ni Kris, ayon sa isang entertainment site.

Nagkakilala sina Kris Aquino at James Yap noong 2005 sa isang restaurant kung saan mismong si James ang nag-request sa talent manager na si Dondon Monteverde na makilala ang Queen of all Media dahil matagal na niya itong crush.

Ilang buwan lang ang nakalipas ay nagkaroon ng civil wedding ang dalawa sa bahay ni Boy Abunda, matalik na kaibigan ni Kris. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ito nga si Bimby na ipinanganak noong 2007.

Subalit nagkalabuan ang dalawa dahil umano sa pambababae ng basketbolista.

Agad naman itong itinanggi ni James na pinanigan rin naman ni Kris.

Taong 2010 nang naghiwalay ang dalawa na siyang inanunsyo ni Kris sa dati niyang show sa ABS-CBN na “The Buzz”.

Tuluyang na-annul ang kasal ng dalawa noong Enero 2012.

Sa ngayon ay masaya Aat kasalukuyang nasa Italy si James Yap kasama ang asawa nitong si Michela Cazzola at ang dalawa nitong mga anak na sina Michael James at Francesca Michelle.

Nag-file rin ito ng certificate of Candidacy noong Oktubre sa pagka-konsehal sa first district ng San Juan.

Related Chika:
Kris engaged na sa dating secretary ng DILG: Looking forward na akong maging Sarmiento
Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other
Kris kay Mel: Ang tanga ko na ‘pag pakawalan pa kita

Read more...