Kris kay Mel: Ang tanga ko na ‘pag pakawalan pa kita

Kris kay Mel: Ang tanga ko na 'pag pakawalan pa kita

Kris Aquino and Mel Senen Sarmiento

MATAPOS ang pasabog na anunsyo nina Kris Aquino at ex-DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary Mel Senen Sarmiento na engaged na sila, ipinagtapat naman ng Queen of all Media kung gaano niya kamahal ang fiancé.

Sa kanyang Instagram video na uploaded nitong Oktubre 27, ibinahagi ni Kris kung paano niya naramdaman ang sincerity ni Mel na nagpa-realize sa kanya kung gaano ito ka-deserving.

“For the longest time, kasi si Kuya (Josh) has chosen to be independent and it really mattered to me [that] the man I would end up with, will also really love Bimb because for so long, it’s just the two of us,” saad ni Kris.

“The fact [that] you showed, with no hesitation, that you’re ready to step in and that you try your best to make me happy, I really feel how much you love me.

That’s why parang ang tanga ko na ‘pag pakawalan pa kita,” dagdag pa ni Kris.

Chika naman ni ex-DILG secretary, alam niyang si Kris na ang kanyang “the one” noong napapansin na ng mga taong malapit sa kanya kung gaano siya kasaya.

“I’m so happy. I used to do a lot of things but now, because of how I feel for her, I learned to balance my time. Noong araw, work. Ngayon na-realize kong okay naman mag-trabaho pero masarap pala na happy ka dahil in love na in love ka,” kuwento naman ni Mel.

Nagsabi naman ang dalawa ng kanilang pangako sa isa’t isa.

“When I wrote him, I said, ‘Whatever’s left for my life, you have me’. I have never fely this peaceful and that’s thanks to you,” sey ni Kris.

“Aalagaan kita at kasama mo ko sa buong buhay natin,” saad ni Mel sabay yakap kay Kris.

Nagpasalamat rin si Kris sa mga taong sumusuporta sa kanya simula noon.

Dagdag pa nito, nais niyang mapanatili ang tahimik na buhay dahil private person rin si Mel kaya hindi na nito isasapubliko pa ang mga detalye ng kanilang kasal ngunit nangako naman siya na ibabahagi niya ang wedding footage after.

Matatandaang Agosto noong nabunyag sa publiko kung sino ang special someone ni Kris nang batiin niya ang mystery man na nagdiriwang ng kaarawan sa kanyang Instagram.

Dito nga nakilala si Mel Senen Sarmiento na ipinagtanggol rin si Kris sa isang netizen na nangba-bash sa Queen of all Media.

Umani naman ng papuri si Mel dahil tila naging knight in shining armor siya ni Kris na halos bukas na libro ang istorya ng buhay sa madlang pipol.

Related Chika:
Kris engaged na sa dating secretary ng DILG: Looking forward na akong maging Sarmiento
Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other

Read more...